Lime green ang kulay ng golden retriever pup na si Shamrock nang ipanganak.
Ang fur mom ni Shamrock ay si Carole DeBruler, isang dog breeder at may-ari ng Golden Treasures Kennel sa Pensacola, Florida.
Agad nag-share sa social media si Carole ng pictures and videos ni Shamrock at mga kapatid nito matapos ipanganak ang mga tuta last March 3, 2024.
Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver

On March 26, ang sumunod na Tiktok video ni Carole ay tungkol sa lime green na kulay ni Shamrock.
Lalong sumikat ang female pup at naging viral. At press time, meron na itong eight million views.
Sobrang standout kasi siya kumpara sa mga kapatid dahil sa kakaiba niyang kulay.
Read: Dog poops on live TV broadcast, shocking anchor
LIME GREEN COLOR NI SHAMROCK, MANTSA NG APDO NG KANYANG NANAY
Ang lime green na kulay umano ng tuta ay resulta ng biliverdin o ang mantsa ng apdo na umagos sa matres ng ina ng mga tuta—at kay Shamrock napapunta.
Read: Senior dog, ginigising para sa proof of life check: “Just love and spoiling until the end.”
Ani Carole, “My hubby and I have been raising puppies for almost 17 years now and we have never seen something quite like that.
“From our research, we believed that she was stained from contact with biliverdin in the womb. It is rare for this deep of staining to happen.
“She’s a cutie!”
Noong una ay hinugasan pa umano niya si Shamrock dahil akala niya ay marumi lang ito, pero nagulat siya nang matiyak na iyon talaga ang kulay ng balahibo.
Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!
TINY AND HEALTHY SHAMROCK
Ayon kay Carole, kung nakakabahala na makakita ng kulay green na tuta, wala naman aniyang dapat ikatakot.
Ang ganitong condition ay safe, at mawawala rin ang kulay green na balahibo ni Shamrock habang ito ay lumalaki.
Mas maliit din si Shamrock kumpara sa mga kapatid, pero makulit ito at malusog.
Read: Senior dog, ginigising para sa proof of life check: “Just love and spoiling until the end.”
Ilang linggo naman matapos ipanganak, nagsimula nang kumupas ang lime green color ni Shamrock.
Lalo naman umanong nagiging makulit ito, ayon kay Carol.
Read: Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home
LIME GREEN HINDI STANDARD COLOR NG GOLDEN RETRIEVER
Si Shamrock at ang kanyang mga kapatid ay English cream golden retriever ang breed.
Ibig sabihin, mas maputi ang kanilang kulay kumpara sa ibang golden retriever color spectrum.
Ang breed standard ng golden retriever ay nagsasabi na ang balahibo nito ay "rich, lustrous golden of various shades," batay sa website ng Golden Retriever Club of America.
Ang mga golden retriever pups na iisa ang nanay ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang kulay.
Ang iba sa kanila ay puwedeng very light cream, habang ang iba naman ay rich gold.
Hindi naman nakalista ang green bilang kulay sa breed standard ng golden retriever.
