Nag-poop ang isang dog sa live news broadcast ng Channel RTP kamakailan sa Bolivia.
Na-interrupt tuloy ang pagbo-broadcast ng anchor dahil sa mismong desk nito nag-relieve ng sarili ang small black dog.
Read: Senior dog, ginigising para sa proof of life check: “Just love and spoiling until the end.”

Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!
Ang aso na hindi na tinukoy ang breed at ang gender ay dinala sa set para gamitin sa promotion ng pet adoption.
Pero sobra pa sa pagpo-promote ang ginawa nito.
Nang ito na ang isalang sa set, na-shock na lang ang mga crew ng Channel RTP nang bigla nitong iarko ang likod—ang karaniwang body language ng aso kapag magbabawas—at ibinagsak ang kanyang poop sa harap ng napatiling female newscaster.
Read: Largest frogs on Earth at risk of extinction
ANCHOR'S REACTION TO THE POOPING DOG
Ang video clip ng nakatatawang eksena ay ibinahagi ng Jam Press, isang news website sa United Kingdom, last April 8, 2024.
Sa umpisa ng video ay makikita pa ang female newscaster na hinahaplos ang maliit na aso habang nasa ibabaw ng white desk sa harapan nito.
Read: Meet Fedya, a cat who looks like cartoon character
Habang nagsasalita ang female newscaster at hinihikayat ang mga manonood na mag-adopt ng stray animals, biglang namang nakaramdam ng pagre-release ang aso.

Read: Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home
Halatang naging uncomfortable ang female newscaster at umiwas tingnan ang aso habang nagbabawas ito.
Agad din nitong hinagip ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa.
Inabutan naman ito ng kanyang co-anchor ng paper towels.
Read: Goats outnumber people population on island; mayor decides to give them away
DOG STEALS THE SHOW
Hindi napigilan ng netizens na matawa sa ginawa ng aso.
Komento ng isa, “The pooch doing his thing and marking his territory.”
Obserbasyon naman ng iba ay ninerbiyos siguro ang aso kaya napilitang magbawas nang hindi oras.
Puwede rin anilang pinakain ito nang sobra sa set, at eksaktong nakaramdam ng pagbabawas nang isalang na.
“The dog steals the show,” biro naman ng isa pa.
Read: Teenager steals horse; attempts to hide it in his third-floor apartment
Hindi naman natawa ang isang netizen na may handle na @Yousweetgirl531.
Aniya, “Poor doggie. I feel so sorry for it. He doesn't deserve that exposure.”
Paliwanag niya, “Why not take him outside first. Why show it on the news. Don't they realize it will keep pets from being adopted?”
Read: Painted cow agaw-eksena sa Valentine’s Day 2024
PLANE DIVERTS FLIGHT BECAUSE OF DOG POOP
Pero kung nakakatawa o shocking man ang ginawa ng aso sa live broadcast, may mas matinding insidente last April 5 na ang sanhi rin ay ang pagdumi ng isang aso.
Ang Flight 422 ng United Airlines mula Houston patungong Seattle ay kinailangang mag-divert sa Texas matapos magbawas ang isang aso sa aisle ng first-class area ng eroplano habang nasa himpapawid.
Ayon sa isang pasahero na nai-post sa Reddit ang insidente, “Smell made me ill.
“Gate agents kept yelling at passengers and the cabin crew. The smell never quite went away.”
Natagalan din aniya ang ginawang paglilinis sa eroplano.
Ang insidente ay kinumpirma ng United Airlines sa media.
Ayon pa sa nag-post sa Reddit, dahil sa ginawa ng aso, marami sa mga pasahero ang nawalan ng ganang kumain nang lumipad muli ang eroplano.
Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation
