PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Couple requires wedding guests to give cash gifts

Nagpatupad din ng iba pang strict rules sa mga bisita.
by KC Cordero
Published Apr 19, 2024
Photo of a wedding ceremony
Na-shock ang netizens sa mga inilatag na rules na ikinasal. Bukod sa kailangang cash dapat ang gift, napakarami ring bawal, na ayon sa isang nagkomento, mabuti pang huwag na lang mag-attend. (Photo for illustration purposes only, courtesy of Weddings in the Philippines blog)

Uso na ngayon sa mga ikinakasal ang pagtatakda ng kanilang sariling rules pagsapit ng wedding day.

Kabilang dito ang hindi puwedeng magsama ng kids ang mga bisita.

Kailangan ding i-off muna ang mga smartphones habang idinaraos ang seremonya.

Bawal ding magpabida ang mga guests—dahil hindi naman para sa kanila ang okasyon kundi para sa mga ikakasal.

Read: Couple exchange "I do" at the moment total eclipse happened

Pero sina Emerson at John Schiavone ng New Jersey, USA, na yata ang may pinaka-demanding at controversial na rules sa kanilang naging kasal.

Photo of Emerson and John Schiavone,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa TikTok account ng mag-asawa na may handle na @emersonschiavone_ ay nag-share sila ng curated videos ng kanilang kasal noong 2023.

Idinetalye nila ang mga naganap sa TikTok account nila na may halos 40K followers at three million likes.

Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours

Kabilang sa mga heavily curated content ang series of videos na pinamagatang “Controversial things we did for our 2023 wedding.”

Ang pinakahuling installment na nai-upload last April 17, 2024 ay umani ng maraming batikos mula sa netizens.

Sa clip na nag-viral at nakakuha na ng halos three million views ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang ipinatupad na strict rules sa kanilang mga bisita.

Kabilang dito ang requirement nila na cash ang iregalo at hindi physical gifts.

In a way, practical naman ito.

Ayon sa mag-asawa, mas kailangan nila ang cash kaysa makatanggap sila ng materyal na regalo na posibleng hindi naman nila magagamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wife, who wants to prioritize career, finds second partner for husband

COUPLE'S STRICT RULES DURING WEDDING

Bawal din sa mga bisita ang mag-request ng mga awitin sa reception.

Katwiran ni Emerson, “This is not prom, this is a wedding.”

Hindi rin sila naglaan ng memorial table or chairs para sa kanilang mga kapamilyang pumanaw na. Morbid ang tradisyon na ito para sa mag-asawa.

Nasa isang pribadong area rin sa reception sina Emerson at John nang hiwain na nila ang kanilang wedding cake.

Gusto umano nilang masolo ang moment na iyon.

Read: Husband ends 16-year marriage after learning sad truth: 4 kids are not his

Hindi na rin pinapasok sa venue ang mga bisitang late dumating—bagaman at ito rin ang patakaran ng may-ari ng venue.

Photo of Emerson and John Schiavone during their wedding

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang isang rule na ikina-shock ng netizens, sa reception, ang mga bisita ay may dalawa lang options para sa main course—filet mignon o kaya ay pesto crusted salmon.

Komento ng netizens, paano kung may bisitang vegetarian?

Nilinaw naman ni Emerson na may vegetarian option para sa mga guests na hindi kumakain ng karne.

Read: Mom resorts to desperate measures to stop son's wedding

Sa iba pang videos ibinahagi rin ng mag-asawa na hindi sila lumapit sa kada mesa para sa picture-taking.

Bawal ding magsama ng kaibigan, syota, asawa o ng kahit sino ang kanilang imbitadong single friends.

Nag-hire ang couple ng security para mahigpit na maipatupad ang rule na ito.

Hindi naman nila ipinaliwanag kung bakit, pero bawal ang bisita na nakasuot ng Apple watch.

Read: Couple chooses disco bathroom of gas station as wedding venue

COULPE DUBBED AS FUN POLICE BY NETIZENS

Dahil sa mga strict rules na ito, tinawag sina Emerson at John ng isang netizen na “fun police.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biro ng isa, “Was smiling allowed or is that too much?”

Read: Wedding gets messy ending; groom abandons bride after reception

Photo of Emerson and John Schiavone on their wedding

Read: Bride and groom set themselves on fire during their wedding

Sambit naman ng isa ay nauunawaan niya kung may mga ipinatutupad na rules sa kasalan, pero kung kagaya aniya ng kina Emerson at John, malamang na hindi na lang siya mag-attend kung iimbitahan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero para sa isang nagkomento, kasal iyon nina Emerson at John, kaya, “You deserve to do what you want for it.”

Ayon naman sa mag-asawa sa caption sa isa sa mga videos, “Yes we did these, and no we don’t regret it.”

Read: Guy nag-stage ng armed robbery para mag-propose sa girlfriend

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Na-shock ang netizens sa mga inilatag na rules na ikinasal. Bukod sa kailangang cash dapat ang gift, napakarami ring bawal, na ayon sa isang nagkomento, mabuti pang huwag na lang mag-attend. (Photo for illustration purposes only, courtesy of Weddings in the Philippines blog)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results