PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Thief disguises himself as trash bag to steal delivery package

"It was kind of funny.”
by KC Cordero
Published Apr 18, 2024
Photos of the thief wearing a black plastic trash bag
Natawa na lang ang may-ari ng package nang matuklasan kung bakit nawawala ang package na nai-deliver na sa kanyang porch.

Nang manakaw ang package sa porch ng bahay ni Omar Gabriel Munoz ng Sacramento, California, USA, natuklasan niya na isang kakaibang modus ang ginawa para makuha iyon.

March 29, 2024 nang maganap ang pagnanakaw sa kanyang package.

Read: Maskaradong suspek sa pagnanakaw, nakilala dahil sa colorful underwear

Ang maganda, may naka-install na camera at malinaw na nakunan ang mga pangyayari.

Sa video ay makikita ang isang itim na plastic trash bag na unti-unting lumalapit sa porch ni Omar.

Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver

Photo of the thief wearing a black plastic trash bag

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THIEF'S DISGUISE AS WALKING TRASH BAG

May mga eksena sa video na makikita ang mga paa ng nasa loob ng itim na plastic trash bag.

Pagkaakyat ng itim na plastic trash bag sa porch, tila hinigop nito ang package.

Photo of the thief wearing a black plastic trash bag

Read: Wedding, dinagsa ng "shameless" gatecrashers; displaced ang legit visitors

Nagtatakbo na rin agad palayo ang mahiwagang trash bag tangay ang package.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT THE THIEF STOLE

Ang video ng pagnanakaw sa kanyang package ay ibinahagi ni Omar sa Storyful, isang social media intelligence agency.

Aniya sa panayam sa kanya, nang una niyang mapanood ang video, inakala niyang may nagbibiro lang sa kanya at gusto siyang takutin.

Pero nang mapanood na niya nang buo ang video, saka niya natuklasan na magnanakaw pala ang nasa loob ng plastic trash bag.

Read: Story behind Taylor Swift jar for Swiftie wife who can't stop talking about the pop star

Photo of the thief wearing a black plastic trash bag

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Convenience store for mountain climbers hangs off the side of a cliff

Ang unang naging reaction ni Omar ay magalit.

“But when I saw the video again, I was laughing because people these days have a lot of creativity.”

Ang laman ng package ay dalawang phone chargers na inorder niya online at nagkakahalaga ng US$10 o PHP570.

Kuwento pa niya, nakatanggap siya ng notification sa kanyang app sa smartphone na nai-deliver na ang package habang nasa trabaho siya.

Pero hindi niya iyon nakita pagkauwi niya.

Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer

Maliit lang ang package, at ayon kay Omar ay inisip niya kung tinangay ba iyon ng malakas na hangin.

Natuklasan lang niya ang nakatatawang pangyayari nang i-check na niya ang security camera ng pinto.

Ang nasabi na lang ni Omar, “At the end of the day, it was kind of funny.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na rin niya ini-report ang insidente sa mga pulis.

“I take everything in the good way because that’s part of life. If you see the bad way of everything, you’re going nowhere.”

Read: Lalaki naagawan ng cellphone worth P10K; motor ng snatcher naitakbo ng biktima, dinala sa presinto

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natawa na lang ang may-ari ng package nang matuklasan kung bakit nawawala ang package na nai-deliver na sa kanyang porch.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results