Tangkang pagnanakaw sa pamamagitan ng pandaraya at pagmamaltrato sa isang bangkay ang mga kasong isinampa laban kay Érika Vieira Nunes ng Rio de Janeiro, Brazil.
Ito ay dahil sa kakila-kilabot na ginawa niya sa katawan ng kanyang walang buhay na si Paulo Roberto Braga, 68.
Read: Convict argues he already served life sentence after dying briefly in hospital
Inaresto si Nunes sa loob ng bangko na kanyang pinuntahan, kasama si Braga na nakasakay sa wheelchair na itinutulak niya, noong Martes, Abril 16, 2024.
Lumapit si Nunes sa teller ng bangko para mag-loan ng 17,000 reais (may katumbas ng US$3,250) mula sa bank account ni Braga na pinilit niyang pumirma sa dokumento.
Napansin agad ng mga empleyado ng bangko na patay na si Braga dahil sa kakaibang amoy na kanilang nalanghap.
Sa video na kinunan ng isang nabahalang tauhan, makikita si Nunes na nagsasalita (isinalin sa Tagalog): “Uncle, nakikinig ka ba? Kailangan mo itong pirmahan.
"Hindi ko ito mapipirmahan para sa yo. Pirmahan mo na para hindi mo na ako binibigyan ng sakit ng ulo."
Read: Man creates own fake death certificate to avoid child support obligation
Habang nagsasalita ay pinipilit ni Nunes na hawakan ng bangkay ang ballpen.
Dahil patay na nga, hindi sumasagot at lumulungayngay ang ulo ni Braga.
Pero sabi raw ni Nunes sa bank teller, "Ganyan siya talaga. Hindi nagsasalita. Uncle, gusto mo bang dalhin kita uli sa ospital?"
Ayon kay police investigator Fábio Luiz Souza, ang alibi ni Nunes ay namatay si Braga habang nakaupo sa wheelchair sa loob ng bangko.
Pero sa kanilang imbestigasyon, mahigit dalawang oras nang walang buhay ang biktima.
Read: Wife, who wants to prioritize career, finds second partner for husband
Iginiit naman ni Ana Carla de Souza Correa, ang abogadong kumakatawan kay Nunes, na buhay pa si Braga nang ipasok ito ng kanyang pamangkin sa loob ng bangko. May mga testigo raw silang makapagpapatunay nito.
Naniniwala si Correa na inosente ang kanyang kliyente sa mga paratang at lalabas din ang katotohanan.
Sa nakalap namang surveillance video ng Brazil Police, nakitang inikot muna ni Nunes ang bangkay ni Braga sa loob ng isang mall bago niya dinala sa bangko.
Nanindigan si Souza na patay na si Braga nang dalhin ito ni Nunes sa mall, at malinaw itong makikita sa mga CCTV footage na kanilang tinipon na maituturing na matibay na ebidensiya laban sa suspek.
Kasama sa mga iimbestigahan ang driver ng ride-hailing app company na sinakyan at naghatid kina Nunes at Braga sa mall.
Aalamin din ng mga pulis ang tunay na relasyon ng suspek kay Braga.
Read: Kandidatong lumahok na sa 238 official elections, hindi pa nanalo kahit minsan