Nag-viral sa social media ang mga larawan ng disenyo ng itatayong Nanjing North Railway Station sa China dahil sa kakaibang hitsura nito.
Maraming netizens ang nag-share ng aerial view ng gusali, at mayorya sa mga ito ay nagsabing para itong higanteng sanitary pad.
Read: Former TV superstar goes viral for videos showing life as rider and construction worker
Ayon sa ulat ng British media company na BBC News, ang disenyo ng Nanjing North Railway Station ay ibinatay sa hitsura ng plum blossom, kung saan kilala ang Nanjing.

Pero hindi kumbinsido ang netizens kaya nilait-lait ang disenyo ng railway station.
Ayon sa isang nagkomento sa larawan ng railway station na naka-upload sa social media sites na X (formerly Twitter) at maging sa Weibo, “This is a giant sanitary pad. It's embarrassing to say it looks like a plum blossom.”
Read: Lady outsmarts male scammer tricking her into believing her husband is gay
Sambit naman ng isa pa, kung halos lahat nang nagkokomento ay nagsasabing parang sanitary pad ang disenyo, bakit hindi iyon nakikita ng mga arkitekto na siyang gumawa ng plano?

Batay sa ulat ng Nanjing Daily, isang pahayagan sa China na pag-aari ng gobyerno, ang preliminary design ay inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Jiangsu Province at ng China State Railway Group.
Read: Meet Osama Vinladen: Professional football player from Peru
Sisimulan na ang construction ng railway station bago sumapit ang kalaghatian ng 2024.
Naka-incorporate din sa disenyo ang ilang traditional Chinese architectural features kabilang ang Chinese Order, ceilings na yari sa kahoy at window patterns.
Ang pagpapatayo sa Nanjing North Railway Station ay tinatayang aabot sa 20 billion Chinese yuan o PHP158 bilyon.
Masasakop din nito ang kabuuang lawak ng lupa na 37.6 square kilometers o 3,760 ektarya.
Read: DENR sa pagmamaltrato ng 2 vloggers sa mag-inang tarsiers: “Disturbing”

Read: Lalaki pineke ang death certificate para makaiwas sa pagsuporta sa misis
Hindi lang ang Nanjing North Railway Station ang nag-viral ang disenyo sa China.
Ang CCTV Headquarters building na nasa Beijing ay naging tampulan din ng panlalait ng netizens dahil ang disenyo nito ay mukha umanong higanteng cycling shorts.
Ang Beijing ay kilala sa oddly shaped buildings nito.
Noong 2008 Olympics, pugad ng ibon ang naging disenyo ng ginamit na stadium, na inabot ng limang taon ang pagtatayo.
Read: Meet 19-year-old Livia Voigt, world’s youngest billionaire
