Isang ginang na naninirahan sa Nice, France, at nag-aalaga ng 160 pusa at pitong aso ang napatawan ng one-year suspended prison sentence at permanent ban na mag-alaga ng pets.
Damay rin sa kaso ang kanyang mister.
Hindi na pinangalanan ang mag-asawa, pero napag-alamang 68 anyos na ang babae samantalang 52 naman ang lalaki.
Sa inilabas na desisyon ng Nice Criminal Court, sinabi ng korte na ang mag-asawa ay guilty rin sa pagpapabaya sa mga pets base sa hindi magandang kondisyon ng kalusugan ng mga pusa at aso.
Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!

Read: Largest frogs on Earth at risk of extinction
Inatasan din ng korte ang dalawa na magbayad ng US$162,000 o PHP9,164,745 na danyos sa mga animal welfare associations.
Posible ring ma-evict sila sa kanilang tinitirahan.
Ang insidenteng ito ay nag-viral noong April 5, 2024, matapos ibalita ng international media.
Read: Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home
COMPLAINT FROM NEIGHBORS
Ang mag-asawa ay nakatira sa isang flat sa Nice na may sukat na 80 square meters kasama ang mga aso at pusa.
Noong isang taon, nakatanggap ang local police ng tawag dahil sa isyu sa pagitan ng mag-asawa at mga kapitbahay ng mga ito na nag-ugat sa napakaraming alagang hayop.
Nang rumesponde ang mga awtoridad, nadiskubre ang mga pusa at aso na dehydrated at malnourished sa mga kuwarto ng mag-asawa.
May sugat din at mga parasites ang pets.
Sa bathroom ay nakakita rin ang mga imbestigador ng mga bangkay ng dalawang pusa at dalawang tuta.
Sinampahan ng kaso ang mag-asawa, at kamakailan inilabas na ng korte ang hatol.
Read: Senior dog, ginigising para sa proof of life check: “Just love and spoiling until the end.”
WOMAN ON PETS: THEY ARE THE LOVES OF MY LIFE
Umapela naman ang babae sa naging desisyon ng korte.
Aniya ay hindi makatarungan ang ipinataw na parusa at penalty sa kanilang mag-asawa.
Para na rin umano siyang inutusan na huwag nang magkaroon ng mga anak.
Read: Teenager steals horse; attempts to hide it in his third-floor apartment

Read: Lady orders poppy flowers; gets puppy-shaped bouquet
Dagdag pa niya, “They were the loves of my life, but things have gone off track.”
Iginiit din ng babae na hindi pa lang niya naipapaayos ang kanilang flat, at temporary lang naman ang hindi magandang kondisyon ng mga pets.
Naghahanap na rin aniya siya ng solusyon, pero nagkaroon ng infection ang mga pusa.
Nagkasakit din siya dahil sa heat wave.
Read: Chinese crested tern seen again in Manila Bay after 100 years
WOMAN IS DIAGNOSED WITH NOAH SYNDROME
Isinailalim ang babae sa psychiatric assessment.
Natuklasan na mayroon siyang mental condition na tinatawag na “Noah syndrome” o compulsive animal hoarding.
Ang may taglay ng ganitong kondisyon ay may urge na mag-alaga ng sobrang dami ng hayop kahit walang sapat na abilidad at kakayahan na mapangalagaan ang mga ito.
Nagiging sanhi ng Noah syndrome ang psychosocial stress at sobrang kalungkutan.
Noong 2014, ang mag-asawa ay naimbestigahan na rin noong nakatira pa sila sa isang 18-square-meter studio dahil nag-alaga sila ng 13 pusa at isang aso.
Makalipas ang ilang taon, lumipat sila sa kanilang flat.
Napag-alaman na inampon naman ng babae ang 30 pusa na natagpuan niya sa isang abandonadong gusali sa takot na baka may maglason sa mga ito.
Lalo namang dumami ang mga pusa nang alagaan niya dahil nag-reproduce ang mga ito.
Read: Abandoned dog found with heartbreaking letter from fur parent: "Sorry kung iniwan kita."
Ibinahagi rin ng babae sa mga imbestigador na nagkaroon siya ng malalang Noah Syndrome simula noong inampon niya ang tatlong pusa at tatlong aso ng kanyang parents.
Mula noon, nagkaroon na siya ng urge na mag-rescue ng stray cats, but ironically, ni-rescue ng awtoridad ang mga hayop na nasa pangangalaga niya.
At bakit patuloy siyang nag-aampon ng mga hayop kahit hindi na niya sila kayang alagaan?
Pakiramdam daw niya kasi ay siya mismo ang inabandona kapag hindi niya ni-rescue ang mga ito.
Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation
