Si Maria Malfatti ay descendant ng isa sa pinakasikat na pamilya sa Rovereto, isang bayan sa probinsiya ng Trento sa Italy.
Pumanaw siya sa edad na 80 noong November 2023.
Ayon sa ulat ng Il Messaggero, isang Italian news website, noong March 23, 2024, si Maria ay kamag-anak ng dating alkalde ng Rovereto na si Valeriano Malfatti, na naging vice president din ng parliament ng Vienna.

Nagmana siya ng maraming assets, kabilang ang mga apartments, isang historical building sa sentro ng Rovereto, at malaking halaga ng salapi sa iba’t ibang bangko.
Tinatayang ang kabuuang assets niya ay nasa US$5.4 million o mahigit PHP304 milyon.
Walang pamilya si Maria dahil hindi siya kailanman nagpakasal, at wala rin siyang anak.
Dahil dito, walang direktang magmamana ng kanyang mga naiwang kayamanan, pero meron siyang mga pamangkin.
Read: 'Upset' grandfather leaves PHP3,500 each to grandkids who did not visit him when he was hospitalized
IPINAMANA ANG KAYAMANAN SA NAG-ALAGA
Gayunpaman, may iba palang plano si Maria.
Nagdesisyon siyang ipamana ang lahat nang kanyang ari-arian hanggang sa pinakahuling sentimo sa isang babaeng Albanian national na nag-alaga sa kanya sa nakalipas na mga taon hanggang sa kanyang kamatayan.
Hindi na pinangalanan ang kanyang naging tagapag-alaga.
Hindi rin naging malinaw kung ano ang naging relasyon ni Maria sa kanyang mga pamangkin, at kung bakit hindi ang mga ito ang kanyang pinamanahan.
Na-shock naman ang mga kamag-anak sa kanyang naging desisyon.
Kaya nang isiwalat na sa kanila ang nilalaman ng last will and testament ni Maria, at nalamang sa tagapag-alaga iniwan ang mga kayamanan, kinuha nila ang serbisyo ng abogadong si Luca Fedrizzi para maghabol sa mana.
Nagsampa ng kaso ang abogado sa korte at hiniling na i-freeze ang assets ni Maria.
Read: Cong TV to give Baby Kidlat his first pamana worth PHP288,000
ASSETS NI MARIA NAKA-FREEZE MUNA
Ang claim ng mga kamag-anak ng namayapa, nawala na sa huwisyo si Maria at hindi na malinaw ang pag-iisip dahil sa katandaan.
Dagdag pa ng mga ito, sinamantala ng kanyang tagapag-alaga ang kondisyon ni Maria, at nagawan ng paraan na ito ang maging tagapagmana.

Kumbinsido rin ang mga pamangkin ni Maria na ang Albanian national ang nag-appoint sa sarili nito na maging solong tagapagmana ng kayamanan ng kanilang tiyahin, at tuluyan silang ipinabura sa last will and testament nito.
Isang huwes naman ang sumang-ayon na i-freeze ang lahat ng assets ni Maria.
Malaki kasi ang posibilidad na maibenta ang mga ito bago pa man magkaroon ng desisyon ang korte.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon kung totoong kusang loob ang ginawa ni Maria na pagpapamana sa kanyang caretaker.
Read: Pamanang lupa ng ina sa 11 anak, 17 years na hindi nasilip man lang; super bongga pala!
IBA PANG KASO NA HINDI SA KAPAMILYA INIWAN ANG MANA
Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi sa kapamilya iniwan ng isang namayapa ang kanyang mga ari-arian.
Nitong January 2024, isang babaeng Chinese na nakilala sa pangalang Liu ang ipinamana ang kanyang naiwang US$2.8 million o PHP158 milyong kayamanan sa kanyang mga alagang aso at pusa kahit mayroon siyang tatlong anak.
Sa una niyang last will and testament ay hinati ni Liu sa tatlong anak ang kanyang mga kayamanan.
Pero nagbago ang isip niya nang pabayaan siya ng mga ito nung nagkasakit siya.
Ni hindi raw siya dinalaw ng mga ito at hindi man lang nagtalaga ng tagapag-alaga.
Hindi rin daw tumatawag ang mga ito sa kanya para mangumusta.
Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!
Dahil dito, nagdesisyon siyang ipamana ang kayamanan sa mga alagang aso at pusa na hindi umalis sa kanyang tabi.
Sa bago niyang last will and testament, nakasaad na lahat ng kanyang pera ay dapat gamitin sa mga pets at sa mga magiging anak ng mga ito kapag pumanaw na siya.
Pero ipinagbabawal ng batas sa China ang pagpapamana sa mga alagang hayop.
Sa tulong ng isang abogado, nagawan ng paraan ni Liu na i-appoint ang isang veterinary clinic bilang administrator ng kanyang kayamaman, at ipinagkatiwala rito ang pangangalaga sa kanyang mga pinakamamahal na pets.
Read: Conjoined twins react to comments and questions about secret wedding
