PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!

Makulit pero artistic.
by KC Cordero
Published Apr 3, 2024
Photo of Erik
Nagulat ang fur mom ng pup na si Erik nang ma-decipher ang resulta ng accidental markings na ginawa nito sa couch gamit ang ninakaw na permanent marker.

Seven months old na ang asong si Erik, na alaga ni Flora Neilson ng United Kingdom.

Para kay Flora, si Erik ang kanyang adorable best friend.

Kapag natutulog ang kanyang pet, larawan ito ng kapayapaan at katahimikan, na para bang napakabait.

Pero babala ni Flora, huwag magpapalinlang sa ganitong anyo ni Erik.

Kapag gising umano ang kanyang pet, may ibang personalidad ito.

Read: Meet Fedya, a cat who looks like cartoon character

Photo of Erik

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Biker's heartwarming story about giving lost puppy a home

Kuwento ni Flora, nang ipanganak si Erik, nakamulatan nitong kalaro ang alagang unggoy ng breeder nito.

Ilang buwan din nitong nakasama ang unggoy.

Kaya may mga gawi umano si Erik na nakuha nito sa unggoy gaya ng pag-aamoy ng kung anu-anong bagay, pati na rin pagngangatngat.

Para umanong batang malikot si Erik pag gising.

Sa hilig nitong magkalkal, parang laging dinaanan ng buhawi ang kanyang bahay.

Read: Meet Bao the Chihuahua, travel and fashion vlogger

Erik's trashes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Senior dog, ginigising para sa proof of life check: “Just love and spoiling until the end.”

“I have to watch him like a hawk,” ani Flora.

Pero hindi naman laging paninira ng mga gamit ang ginagawa ni Erik kapag gising ito.

May isa pa kasing hidden talent ang aso.

Kamakailan, habang magkasama ang dalawa sa bahay, nang malingat si Flora ay may namataan na naman si Erik na puwedeng nakawin at ngatngatin sa mga gamit—isang brown permanent marker.

Walang kamalay-malay ang amo na nakuha iyon ng kanyang pet.

Dinala ni Erik sa couch ang permanent marker at nagawang tanggalin ang takip.

Pagkatapos ay pinaglaruan na nito ang permanent marker—na lumikha ng mga mantsa sa couch.

Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation

Siyempre pa, napatili si Flora nang makita kung ano ang ginawa ni Erik.

Dahil nasulatan ang couch, nagtaas siya ng boses at pinagalitan ang makulit na alaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero nang pagmasdan niyang mabuti ang naging resulta ng mga guhit na nalikha ni Erik, natawa na lang siya at hindi makapaniwala.

Ang mga guhit sa couch ay tila self-portrait ni Erik.

Napakaganda ng execution nito sa tila nalikhang artwork.

Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng veterinarians

Photo of Erik's slef-portrait

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver

Nawala tuloy ang galit niya sa kanyang alaga dahil sa “obra” nito.

“I didn’t notice his accidental self-portrait until some hours later.”

Ani Flora ay wala siyang planong labhan agad ang cover ng couch.

May nararamdaman kasi siyang special tuwing makikita niya ang mga guhit.

At okey na rin sa kanya kung manatili na lang na naka-print doon ang “self-portrait” na ginawa ni Erik.

Ang maliliit na insidenteng tulad nito para kay Flora ay bahagi lang ng paglaki ni Erik dahil sa edad nito ay tuta pa rin itong maituturing.

Katwiran pa niya, “If I was to be mad at the dog for doing stuff he shouldn't, I'd be mad all day.”

Read: Cute na pusang natutulog sa kalye, nagmistulang celebrity at nabigyan pa ng money

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat ang fur mom ng pup na si Erik nang ma-decipher ang resulta ng accidental markings na ginawa nito sa couch gamit ang ninakaw na permanent marker.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results