Matatagpuan ang Casa du Currivu, kilala rin bilang “House of Spite,” sa Petralia Sottana, Italy.
Kakatwa ang kabuuan ng Casa du Currivu dahil taglay nito—although unofficially—ang titulo bilang “world’s narrowest house.”
Ang Petralia Sottana ay isang maliit na village na may populasyon na humigit-kumulang sa 2,000 katao.
Nasa pusod ito ng kabundukan ng Madonie na nasa probinsiya ng Palermo.
Dito matatagpuan ang Casa du Currivu—na isa sa most unusual tourist attractions sa Italy.
Read: Ready-made tiny house: how much, what factors to consider, what you need to know

Read: Maliit na bahay, nakatayo sa gitna ng isang freeway! Paano nangyari ito?
Dalawang palapag ang Casa du Currivu, at normal ang sukat ng ground floor.
Pero kakatwa na ang second floor nito ay may lapad lang na tatlong piye o halos isang metro.
Mapapansin na kung nasa loob ng second floor ang dalawang tao, hindi puwedeng hindi sila magkasagian kung maglalakad na magkasalubong.
Lalo namang hindi puwedeng dito tumira nang full time dahil sa sukat nito.
Read: Napakagandang treehouse sa puno ng acacia, naipatayo sa halagang PHP250K

Read: Mamay Bino builds his cute retirement home at age 49
Bakit?
Ayon sa “local legend," ipinatayo ang makitid na bahay para lang asarin ng may-ari ang kapitbahay nito.
Ang disenyo ay sinadya para hindi matanaw ng kapitbahay ang view sa paligid dahil natakpan ang tapat ng durungawan ng kapitbahay.
Halos nakalimutan na ng mga taga-Petralia Sottana ang mga eksaktong detalye tungkol sa pagpapatayo sa Casa du Currivu, pero pinapaniwalaang ipinagawa ito noong 1950s.
Noong panahong iyon, para makapagdagdag ng palapag ng bahay batay sa batas sa Italy, kailangan munang pumayag ang mga kapitbahay at dapat hingin ang permiso ng mga ito.
Read: Lumang bodega naging bonggang tiny house na may roofdeck
Sa partikular na kasong ito ng Casa du Currivu, nabigo ang may-ari na makuha ang approval ng isa sa kanyang mga kapitbahay—na pinakamalapit sa kanyang puwesto.
Katwiran umano nito, matatakpan ang view na natatanaw mula sa bintana ng bahay nito.
Read: Bahay sa halagang PHP10K! Paano ito nagawa ni Jeypee Gervacio?

Read: Tiny house ng isang couple sa Batangas nakamamangha ang disenyo
Gayunpaman, kung ang pagpapatayo ng second floor na malapit sa katabing bahay ay kailangan ang approval ng kapitbahay, hindi naman kailangan ang permiso kung ang itatayong second floor ay sumusunod sa required na distansiya o pagitan sa katabing bahay.
Kaya ang ginawa ng may-ari ng Casa du Currivu, nagpagawa ito ng pinakamanipis na sukat ng second floor na tumutugon sa required na distansiya, and, at the same time, maba-block ang view ng kapitbahay.
Ang second floor ng Casa du Currivu ay walang laman na kahit ano.
Kabilang sa features nito ang ilang bintana at isang hagdan.
Hindi rin ito ginamit bilang living space ng may-ari ng bahay, pero na-serve nito ang purpose na asarin ang kapitbahay.
Sa ngayon, isa ito sa pinakasikat na gusali sa Sicily, at paboritong pasyalan ng mga turista kapag nagagawi sa Petralia Sottana.
Read: Tiny house ng isang couple sa Batangas nakamamangha ang disenyo
