Ibinahagi ng Reddit user na nakilala sa username na u/spicyad ang kanyang kakatwang karanasan sa isang kumpanya na pinanggalingan niya.
Aniya sa kanyang post last March 18, 2024, kinontak siyang muli ng kanyang employer six months matapos tanggalin sa trabaho.
Ang pagkontak sa kanya ay hindi para i-hire siyang muli.
Gustong malaman ng employer kung ano ang password ng ginamit niyang laptop sa kumpanya.
Sa kanyang post ay ibinahagi ni u/spicyad ang screenshot ng email ng kanyang employer.
Read: VIRAL: Guy wears T-shirt with QR code to find date at Ed Sheeran concert

Read: Corded landline phone, going obsolete? Wait, Gen Zs go gaga over it
Nag-request ito na i-share niya ang laptop password para makapag-perform ng factory reset ang kumpanya at maihanda ang gadget dahil ipapagamit ito sa ibang empleyado na iha-hire.
Tiniyak ng employer kay u/spicyad na ang impormasyon na ibibigay niya ay tatratuhin “with utmost confidentiality” at talagang gagamitin lang para mai-reset ang laptop.
Pagbabahagi ni u/spicyad, natawa siya sa request ng dati niyang employer.
Ikinuwento rin niya ang kanyang naging journey bilang dating empleyado,
Aniya, ang kumpanya mismo ang humiling noon na ma-interview siya para sa management position.
“I ended up getting the job.”
Pero ang masaklap, “Lasted 30 days until they terminated the position due to a ‘cart before the horse’ situation.”
Read: CHECK THIS OUT: Tiger rice cooker na kayang magluto gamit ang diyaryo
"Cart before the horse"
Ayon sa Merriam-Webster dictionary, ang “cart before the horse” ay isang idiomatic expression na ang ibig sabihin ay "to do things in the wrong order."
Paliwanag pa ng dictionary: “People are putting the cart before the horse by making plans on how to spend the money before we are even certain that the money will be available.”
Pagdedetalye naman ni u/spicyad sa kanyang naging experience:
“Basically, what happened is I called out all the illegal marketing practices happening and offered solutions to fix them.
“They got rid of the problem, which was ‘me.’
“Now they want my password. Lol.”
Read: 13-year-old boy, pinakaunang tumalo sa Tetris ng Nintendo
other reddit users react
Marami sa mga nagkomento ang nag-share din ng katulad na experience.
Pero ayon sa mga ito, makalipas ang ilang buwan ay hindi na nila matandaan ang password ng laptop.
“I wouldn't be able to help them even if I wanted to,” komento ng isa.
Read: Need to reheat food anytime, anywhere? Presenting first-ever microwave bag

Read: “Sobrang dulas” na toilet bowl, naimbento ng China; Kay tipid sa tubig, di kelangang linisan
May mga Reddit users namang nagsabi na parang may mali sa request ng employer dahil kaya namang mag-perform ng reset ang IT department ng kumpanya.
Komento ng isa pa na nagsabing isa siyang IT professional, “The one thing that gets drilled into us and users is to never share passwords.”
Payo nito kay u/spicyad at sa iba pang makaka-encounter ng ganitong experience mula sa employer, “They don't need your password to reset it.
“All they need to do is wipe the disk and re-image it with their company's [or manufacturer's] OS."
Babala pa nito, “Either this is a phishing attempt or you are dealing with idiots.”
Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo
May mga nagsabi ring nagsisinungaling ang employer at gusto lang nito na ma-access ang files ni u/spicyad.
Nagkakaisang paalala ng mga ito, “If you give this person your password, they will try to use it to get into your accounts.
“Ignore this message and never give anyone your password for any reason.”
Biro naman ng isa, kung iha-hire siyang muli ng kumpanyang nagtanggal sa kanya, baka sakaling maalala pa niya ang password na ginamit sa laptop.
Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon
