Naghahanap ka ba ng ka-date?
Puwede mong gayahin ang ginawa ng isang lalaking nag-attend sa concert ni Ed Sheeran na ginanap last March 16, 2024, sa Mahalaxmi Racecourse sa Mumbai, India.
Next level ang naging approach niya dahil nagsuot siya ng T-shirt na may QR code, na kapag na-scan ay lalabas sa screen ng smartphone ang Tinder profile ng lalaki.
Nakilala ang lalaki na si Hardik, 22 years old.
Paalala ni Hardik sa mga gustong mag-scan sa QR code sa kanyang T-shirt: “For single people only.”
Read: HOT TOPIC: Lady walks out on date after knowing the guy lied about his age

Read: Love In The Time Of AI: Man finds "perfect match" in dating app using ChatGPT
Ang photo ni Hardik habang suot ang T-shirt sa concert ni Ed Sheeran ay nakunan ng isang nanood din ng concert na si Shweta Kukreja.
Ini-upload ni Shweta sa X (formerly Twitter) ang photos ni Hardik, at ang screenshot ng Tinder profile.
Ang caption niya: “Saw this guy at a concert in Mumbai last night [the QR code opens his Tinder profile].”
Nag-upload naman ng video ni Hardik ang isa pang X user na may handle na @LadyPeraltaa.
Anito, “Bro went with 999 IQ on this at the concert last night.”
Read: Babae nagtanong sa Tinder match kung bakit ito ang dapat ka-date; sagot ng lalaki, naka-PowerPoint

Read: Lalaki inireklamo ang ka-date na ayaw humati sa bayad sa inorder na food and drinks worth PHP9K
Napag-alaman ding naglakad si Hardik nang mahigit walong kilometro suot ang coded T-shirt para lang makahanap ng makaka-date.
Sabihin pa, na-impress ang netizens sa kanyang kakaiba pero napapanahong approach dahil masyado umanong creative.
Ang tweets nina Shweta at @LadyPeraltaa ay parehong naging viral.
Nakahatak sila ng atensiyon mula sa na-amuse na netizens.
Isa rin ito sa mga pinag-usapang moments sa concert ni Ed Sheeran.
Komento ng isang netizen, “You think you have seen all possible ways to get a date and there is this bro. Totally acing the game.”
Sambit naman ng isa, “Even AI will be scared of this guy's dating game.”
Biro ng isa pa, “In this QR-based payment era, the only QR I want to scan.”
Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date

Read: Walang dyowa? Subukan ang “masterdating”
Sabi naman ng iba ay nakaisip si Hardik ng perfect way para makakita ng ka-date sa concert.
Dagdag pa ng isa, “Here we are scrolling memes, and he became a meme to find a date."
Ayon naman sa isa pa, "Bro's the walking right swipe. This is the type of creativity I need in my life everywhere."
May nagsabi ring balang araw, sakaling makatuluyan ni Hardik ang ka-date na nahanap through QR code, puwedeng ikuwento ang nangyayari sa magiging anak nila.
“And that's how I met your dad. This is gonna be the amazing story to tell.”
Kahit noong hindi pa digital ang mundo, may mga concertgoers din na nagiging creative sa paghahanap ng pag-ibig.
Gumagamit sila ng signs, light-up displays, at elaborate costumes para mag-stand out sa crowd at makaakit ng potential dates.
