Isang bahay sa Batangas City ay hindi ordinaryo.
Pagpasok kasi ng pinto, matutuklasang isa pala itong kuweba na ginawang tirahan ng isang pamilya.
Nalaman pang may malaking papel ito noong World War II, ayon sa isang history professor.
Ang kuweba ay ginawang tirahan ni Rufino Evangelista noong 2012, matapos niyang bumukod sa mga anak.
Ang kanyang bahay ay ipinaubaya na niya sa mga ito.
Sa loob ng higit isang dekada, nakabuo na muli ng bagong pamilya si Mang Rufino at ang kuweba ang kanilang tirahan.
Aniya, dati raw itong garahe ng kanilang traysikel, at nang lumipat siya rito ay inayos—nilagyan ng mga gamit at pininturahan.

Mang Rufino started living in the cave in 2012.
Read: Male amputee receives new pair of arms and hands from female donor
Wala raw siyang pambayad ng upa.
Bukod sa may iniinda siyang karamdaman, ang kanyang kinakasama ay isang housekeeping staff sa isang paaralan.
Masikip ang kuweba, walang bintana, at hindi tiyak kung gaano kahaba ang lagusan sa loob.
Pero tumatagos daw ito sa Ilog Calumpang, ulat ni Paul Hernandez ng GMA Regional TV Southern Tagalog.
Ang kuweba raw na ito ay naging fort ng mga Hapon sa siyudad noong World War II.
Ani Abvic Ryan Maghirang, history professor, ito ang ginamit na lagusan noong panahon ng digmaan.
“Wala pa talaga nung lansangan. Kumbaga, ito yung pinaka-ginagamit na daan mula sa Calumpang River papunta ngayon sa loob ng lungsod.”
Sinabi ni Maghirang na dapat ay "mapanatili yung kahalagahang pangkasaysayan nito gamit niya sa Siyensiya," pero maremedyuhan ang suliranin ni Mang Rufino.
Sinabi naman ni Dwight Arellano, ang city engineer sa lugar, hindi ideal ang kuweba bilang isang tirahan.
“Dapat livable siya. May bintana, pintuhan, facilities, malinis na tubig, kuryente,” sabi niya.

This cave used to be a passageway for Japanese during World Wad II.
Read: College student chooses to travel by plane to school over renting a place near campus
FAMILY LIVING IN THE CAVE GIVEN AN OPTION
Matapos mabalita, nakahatak ng atensiyon ang kuwento ni Mang Rufino kaya nag-alok ng tulong ang Local Government Unit (LGU) ng Batangas City.
Sinamahan si Mang Rufino at ang partner nito sa Batangas City Hall na nag-alok ng tulong, update ng GMA Regional TV Southern Tagalog, March 7, 2024.
Ginawang beneficiary si Mang Rufino sa housing project ng LGU, at hinanapan siya ng malilipatan.
Pero sinabihan siyang huwang pakuhaan sa media ang bahay.
Ang sabi pa ni Hiyasmin Candava, head ng Batangas City Social Welfare Development Office, “We see to it naman na hindi basta naman tayo naglilipat ng family, di ba?
“Kailangan alam din ng family na ating ita-transfer kung okay ba para sa kanila iyon.”
Ang mga isinasailalim daw sa housing project ay iyong mga taong walang kakayahang makapagpatayo ng bahay.
Pagpapatuloy ni Candava, “Priority ano doon would be recipients muna ay mga nasa risk areas katulad ni Tatay Rufino na talagang kita naman po namin na yung sitwasyon niya hindi naman tamang tirahan ng isang pamilya.”
Sinabi rin ni Candava na i-a-assess din kung makakapag-avail ng livelihood programs ang pamilyang lilipat.
Sa interview, bakas ang agam-agam ni Mang Rufino.
Sabi niya, “Ayos naman ang area, e, kaya lang, maliit nga lang. Baka may makukuha pang ibang kuwan [bahay], e. Wala akong madadalang gamit. Napakaliit."
Inaalala rin niya na mapapalayo ang kanyang partner mula sa trabaho nito.
Sinabi naman ni Candava na temporary pa lamang umano ang lilipatang bahay ni Mang Rufino, “while nagpaplano naman or yung ating program po on housing on city government ay iaayos po iyon.”
