PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bride and groom set themselves on fire during their wedding

What a 'hot' couple!
by Bernie V. Franco
Published Feb 23, 2024
Gabe Jessop and Ambyr Bambyr
"KEEP THE LOVE BURNING!" Gabe Jessop at Ambyr Bambyr literally on fire to start their new life together as husband and wife.
PHOTO/S: @gabe_jessop on Instagram

(Note: The couple featured in this article are professionals.)

Kanya-kanyang pakulo ang mga couples these days para maging unique o kakaiba ang kanilang kasal.

Ilang kakaibang wedding-related stories na rin ang nailathala rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tulad ng pre-nup shoot ng isang couple mula sa Masbate na niro-romanticize umano ang karahasan. Mapangahas kasi ang kanilang photos na may kaugnayan sa violence.

Read: Prenup shoot romanticizing violence? Bride-to-be speaks up

Naitampok din dito ang wedding kung saan ang paring nagkasal ay dating kasintahan ng bride.

Read: VIRAL: Priest reveals in wedding homily the bride is "ex ko"

May mga pagkakataon namang hindi sinasadya ang pangyayari. Tulad ng wedding sa Iraq, kung saan 95 ang nasawi dahil nasunog ang venue dulot ng pyrotechnics na sinindihan mismo sa loob ng reception hall.

Read: Groom on his tragic wedding in Iraq that killed 95: “We’re dead inside.”

Meron ding couple sa Bulacan na ikinasal kahit may baha sa loob ng simbahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Couple, itinuloy ang kasal kahit baha sa simbahan

Ang mahalaga, hindi lang dapat gumawa ng pakulo para maging memorable ang kasal, kundi kailangan ding maging responsable.

Ganito ang nangyari sa makapigil-hiningang pagpapakasal ng isang couple sa U.S. noong 2022.

Nang ikasal sina Gabe Jessop at Ambyr Bambyr noong May 2022, sinigurado nilang tatatak sa mga attendees ang kanilang kasal.

They showed their burning love for each other, literally.

WEDDING ON FIRE

Sa pagtatapos ng kanilang wedding celebration, pumunta sa outdoors sina Gabe at Ambyr suot pa rin ang kanilang wedding outfit. Lumabas din ang kanilang mga bisita para panoorin ang pambihirang stunt.

Biglang lumiyab ang bouquet ng bride at sumunod na nasunog ang likuran ng kanyang gown. Nagsimula ring umapoy ang likuran ng groom na naka-suit.

Pagkatapos ay naglakad sila habang nanonood sa magkabilang gilid ang mga bisita.

Makapigil-hiningi ang eksena dahil habang nasusunog ang newlyweds ay kalma silang naglalakad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

wedding fire

Matapos ang ilang saglit na paglalakad, pareho silang lumuhod sa damuhan at mabilis na kumilos ang dalawang taong may fire extinguishers para maapula ang apoy sa bride at groom.

Ibang klaseng pakulo, pero delikado.

Sina Gabe at Ambyr ay parehong professional stunt doubles sa Hollywood movies.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang pagpapaliyab sa kanilang wedding day ang naisip nilang paraan para maging memorable ito.

Pero, syempre, may paalala: huwag tularan ang kanilang ginawa.

Professionals ang involved sa kanilang wedding stunt dahil bukod sa kanila, katulong nila ang mga kapwa stuntment para tulungan sa kanilang wedding stunt.

Ipinost ni Gabe ang video na ito sa IG noong 2022. Ito ang kanyang caption: "May the fire burn in our hearts for the rest of our lives.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkakilala sina Gabe at Ambyr sa trabaho at lumalabas sila sa Hollywood movies, kagaya Hereditary at TV series na Yellowstone.

Minsan na ring nag-double si Ambyr sa idolo niyang si Lindsay Lohan.

Hindi lang mga attendees sa wedding ang namangha, pati na rin ang netizen batay sa comments ng IG post ni Gabe.

Narito ang ilan:

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comments

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita naman sa kanya-kanyang IG accounts nina Gabe at Ambyr na very outgoing sila at patuloy sa paggawa ng activities nang magkasama katulad ng pagmo-motor at fishing.

Mukhang ito ang sikreto para mapanatili ang init ng kanilang pagmamahalan.

Muli, walang masama sa pagkakaroon ng pakulo o activity para maging memorable ang pagpapakasal, basta safe ito at walang masasaktan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"KEEP THE LOVE BURNING!" Gabe Jessop at Ambyr Bambyr literally on fire to start their new life together as husband and wife.
PHOTO/S: @gabe_jessop on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results