Nagulantang ang mga scientists matapos mabuntis ang isang stingray o pagi sa isang aquarium kahit wala naman itong kasamang male stingray.
Ang tanging kasama ng female stingray na si Charlotte sa aquarium ay mga pating kaya malaking palaisipan para sa mga scientists kung paano nakabuo ng itlog ang pagi.
Read: Gibbon sa Japanese zoo, nagbuntis at nanganak kahit solo sa cage; sino ang ama?
Pumutok ang balita noong nakaraang linggo nang malamang nabuntis si Charlotte na nasa Aquarium & Shark Lab by Team ECCO sa Hendersonville, North Carolina. sa U.S.
Nagtatalo ngayon ang mga scientists kung paano nangyari ang tinatawag nila ngayong “once in a lifetime science mystery.”
May iba na nagbanggit ng posibildad na isa sa mga pating ang ama ng ipinagbubuntis ng stingray, pero may mga sumalungat sa ispekulasyon na ito.
Katwiran ni Demian Chapman, senior scientist and director ng Mote Marine Laboratory, imposibleng mabuntis ng pating ang isang stingray, ulat ng Forbes.
Sinegundahan ito ni Chris Lowe, director ng shark lab sa California State University, Long Beach.
Kumbinsido si Lowe na ang nangyari ay parthenogenesis, kung saan nakakabuo ng itlog ang isang hayop nang mag-isa at hindi na kailangang makipagtalik.
Aniya, One thing we do know is that it is not possible for a shark to mate with a ray and produce an offspring,”
Sabi rin sa Associated Press ni Kady Lyons, research scientist sa Georgia Aquarium, hindi match “anatomically” ang pating at pagi at incompatible ang DNA nila para makabuo ng anak.
Pero kung parthenogenesis ang nangyari, dagdag ni Lyons sa AP, si Charlotte ang magiging pinakaunang naitalang kaso sa round stingray species.
Read: Gaano ba kadalas dapat paliguan ang inyong aso?
Kumbinsido naman ang pamunuan ng Aquarium and Shark Lab na pating ang mate ni Charlote.
Ayon sa Facebook post nito, “Just because something has not happened or has not been documented does not make it impossible. Science is discovery.”
Napansin din nito ang visible bitemarks ni Charlotte na indikasyon daw ng shark mating.
Read: Passenger smokes vape while midair; causes airplane alarm to go off
