Isang 64-year-old na lola mula sa Katsushika Ward, Tokyo, Japan ang umamin sa mga awtoridad na gumagawa siya ng mga pekeng luxury bags and wallets.
Siya mismo ang nananahi gamit ang kanyang lumang sewing machine sarili niyang bahay
Ibinibenta naman niya ang mga ito sa kanyang maliit na shop, at sinasabi sa kanyang mga customer na “original” ang kanyang mga produkto.
Hindi na pinangalanan ang lola.
Read: Hermes files case against bookstore using its brand name

Read: Lumang sofa na nabili ng PHP1,400, may nakasuksok na Rolex watch na nabenta ng PHP14 million
Nagsimula ang kanyang ganitong aktibidad ilang taon na ang nakalilipas nang nagbukas siya ng maliit na bag shop sa Katsushika.
Sa umpisa, puro original products ang kanyang tinda, kaya ang reputasyon niya noon ay isa talaga siyang original bags seller.
Gayunpaman, hindi masyadong maganda ang naging takbo ng kanyang negosyo.
Mas lalo pa itong humina noong nagkaroon ng pandemya.
Read: Shoe collector scammed by teenager who sold PHP1M worth of sneakers; will not get refund
Minsang nanonood siya ng telebisyon ay nagkainteres siya sa isang segment kung saan tampok ang mga sikat na designer bags at accessories.
Nagdesisyon ang lola na sakyan ang trend para lumakas ang kanyang shop.
Nagsagawa siya ng research. Nakakita ng branded fabric and synthetic leather online.
Bumili siya ng mga ito.
At dahil mahusay siyang manahi, gumawa siya ng luxury bag knockoffs gamit ang kanyang lumang sewing machine.
Read: 13-year-old teenager pasok bilang Louis Vuitton intern dahil sa kanyang viral sketches
Sa nakalipas na dalawang taon, tinatayang kumita ang lola ng mahigit 900,000 yen o PHP336,987 sa pagbebenta ng fake Louis Vuitton, Channel, at Gucci bags, pati na rin mga accessories sa maliit niyang shop.
Nitong first week ng February 2024, ni-raid ng mga pulis ang kanyang shop matapos may magreklamo sa kanyang pagbebenta ng fake branded products.
Nakakumpiska ang mga pulis ng mahigit 330 counterfeit items, at rolyo-rolyong branded fabric at fake leather.
Read: Meet TikToker who destroys expensive designer bags for good reason

Read: Lost wallet in 1958 returned to owner's family in 2023
Matapos maaresto ay umamin naman ang lola na gumagawa nga siya ng fake bags and wallets.
Ilan sa mga nagawa niya ay kopyang-kopya ang mga mamamahaling bags and wallets.
Ang iba naman aniya ay original designs niya na ginamitan ng materyales at logo ng mga sikat na brands para makaakit siya ng mga customers.
Read: Louis Vuitton employee receives LV bag worth PHP43,000 as Christmas gift
