PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hermes files case against bookstore using its brand name

Hermes vs. Hermes.
by KC Cordero
Published Feb 12, 2024
Hermes headquarters in Paris, the bookstore in Turkey
Idinemanda ng Hermes, ang global luxury goods giant na nakabase sa Paris (kaliwa), ang isang bookstore sa Turkey na may brand name na Sahaf Hermes. Ang argumento ng bookstore owner, parte ng kultura ng Turkey ang pangalan ng Greek god na Hermes.

Idinemanda ng Hermes, isang global luxury goods giant na nakabase sa Paris, France, ang isang bookstore sa Turkey dahil sa trade name infringement.

Ang pangalan ng bookstore: Sahaf Hermes.

Nasa Aegean, Izmir, Turkey ang bookstore.

Pag-aari ito ng isang nagngangalang Umit Nar, 51.

The bookstore

Read: VIRAL: Mga taong may kahawig na obra sa museum; reincarnation o may scientific explanation?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa nalathala sa Yahoo! News noong February 6, 2024, nag-apply si Umit noong December 2021 para irehistro sa Turkish Patent and Trademark Office (TurkPatent) ang Sahaf Hermes bilang pangalan at trademark ng kanyang bookstore.

Sa Turkey, ang ibig sabihin ng “Sahaf” ay nagbebenta ng segunda-manong libro.

Nakarating sa kaalaman ng opisina ng Hermes sa Turkey ang plano ni Umit.

Naghain ng petisyon ang Hermes sa TurkPatent at sa mga korte ng Turkey para ipahinto ang trademark registration.

Hiniling din ng Hermes na pagbawalan si Umit sa paggamit ng pangalang “Hermes” sa commercial and online activities ng bookstore nito.

Ayon sa Hermes, hindi fair na gamitin ni Umit ang brand name na pang-negosyo.

Read: Gen Z TikToker gets real about challenges of job hunting

ANG DEPENSA NI UMIT

Pumalag si Umit sa aksiyon ng Hermes.

Paliwanag niya, 15 years na ang kanyang bookstore, pero ni minsan ay hindi ito napagkamalang may kaugnayan sa French luxury goods maker.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbibigay-diin pa ni Umit, ang pangalang “Hermes” ay nagmula sa ancient Greek god of trade, at ito'y para sa lahat.

Kagaya umano ito ng Zeus o Santa Claus na nabibibilang sa cultural heritage ng lahat.

Dagdag pa niya, “No company should be able to monopolize these names, which are anchored in our collective memory.”

Read: Customer hindi nasiyahan sa haircut, ginupitan ang barbero

Pero sa isinampang petisyon ng Hermes sa korte, tinukoy nito ang “similarity and the risk of confusion” sa pagitan ng dalawang brands kahit pa magkaiba ang kanilang market.

Nagkaroon na ng unang pagdinig sa petisyon noong January 2024. Muling maghaharap sa korte ang dalawang panig sa March 27.

Read: Lalaking ayaw maligo at magsepilyo, idinemanda ng misis


HINDI PUWEDENG IHAMBING ANG LIBRO SA HERMES PRODUCTS

Matigas si Umit sa kanyang paninindigan. Ipinapakalat niya sa social media ang kanyang side of the story at gusto niyang makarating iyon sa headquarters ng Hermes sa Paris.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, kung nagbukas siya ng tindahan ng bag, sapatos, o tela, at ginamit niya ang pangalang Hermes, mauunawaan niya ang reklamo ng kumpanya.

Hermes products

“But our fields are so different.

“Hermes sells luxury leather bags for thousands of euros, and I am selling second-hand books worth 15 Turkish lira.”

Ang katumbas ng nabanggit na halaga ay PHP27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Umit, ang argumento na mako-confuse ang tao sa produkto ng Hermes at sa kanyang bookstore ay “ridiculous.”

“It's also an insult to the intelligence of their clients.”

Read: Motorista, sinunod ang GPS at sinuong ang tulay na kahoy, muntik nang mahulog!

HERMES BAHAGI NG KULTURA NG TURKEY

Si Umit ang presidente ng asosasyon ng mga second-hand booksellers sa Turkey.

Aminado siyang kung papalitan ang pangalan ng kanyang bookstore, malaki ang magiging epekto niyon sa kanyang negosyo.

Mas kilala umano siya ng mga tao bilang Sahaf Hermes at hindi sa kanyang tunay na pangalan.

Bookstore owner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Drawing ng bata, umani ng "dark" interpretasyon sa guro

May balido ring dahilan si Umit sa paggamit ng pangalang Hermes.

Sa Greek mythology, ang bathalang si Hermes ay may kaugnayan sa kasaysayan ng Izmir, ang lugar ni Umit.

Tinawag ng ancient Greeks na Smyrna ang Izmir noong kontrolado pa ng Greece ang Turkey.

Kaya ang hirit ni Umit, “It's not fair that an international company can confiscate a cultural element.”

Read: Donasyong cheese sauce sa isang food bank, 1998 pa pala nag-expire

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idinemanda ng Hermes, ang global luxury goods giant na nakabase sa Paris (kaliwa), ang isang bookstore sa Turkey na may brand name na Sahaf Hermes. Ang argumento ng bookstore owner, parte ng kultura ng Turkey ang pangalan ng Greek god na Hermes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results