Nagdesisyon ang magkasintahang one year and a half nang nagde-date na magsama na sa iisang bubong.
Na-evict kasi ang boyfriend sa inuupahang bahay nito.
Maayos naman ang kanilang relasyon, pero umasim nang mapagkuwentuhan nila kung paano nakabili, in cash, ang girlfriend ng sariling bahay.
Ang kuwento tungkol sa magkasintahan ay inilathala ng Australian news website na 7 News noong February 2, 2024.
Itinago ang kanilang pagkakakilanlan para mapangalagaan ang kanilang privacy.

Ang nagbahagi ng kuwento sa 7 News ay ang girlfriend na 35 years old.
Aniya, habang nagkukuwentuhan sila ng kanyang boyfriend tungkol sa pera, naitanong nito kung paano siya nakabili ng bahay.
Read: Guy nag-stage ng armed robbery para mag-propose sa girlfriend
Inamin niya sa boyfriend na nanalo siya sa lotto noong 2009.
Hindi naman kalakihan ang napanalunang jackpot prize, pero sapat ito para makabili siya ng bahay, mapagtapos ang sarili sa kursong nursing, at makapag-ipon ng pera nang maka-graduate at magkatrabaho.
Binanggit niya sa boyfriend na sobrang mura lang niya nabili ang bahay dahil kailangang-kailangan ng dating may-ari ng pera.
“Obviously I had some luck on my side.”
Pinaupahan muna niya ang bahay sa loob ng siyam na taon, bago siya lumipat dito noong 2018.
Read: Lalaking ayaw maligo at magsepilyo, idinemanda ng misis
REACTION NI BOYFRIEND SA REVELATION NG GIRLFRIEND NA NANALO SA LOTTO
Ang masaklap, hindi nagustuhan ng lalaki ang mga ipinagtapat niya rito.
Inakusahan ng lalaki ang babae ng paglilinlang.
“He says I deceived him by giving him the impression that I was financially well off, and that I led him to believe I was more business savvy then I was.
“He was led to believe I was much richer than I am. He assumed I was loaded.”
Sabi umano niya rito ay sadya lang siyang masuwerte.
At bukod sa napanalunan niya sa lotto, nakaipon din siya sa loob ng ilang taon na pagtatrabaho bilang nurse.

Maliban sa kanyang bahay, kotse at savings, may retirement plan na rin siya.
"I’m fairly certain that I am financially better off than most people I know.”
Naghimutok ang boyfriend dahil nagmukha raw itong tanga na nakinig sa financial advice ng girlfriend, na galing naman pala sa lotto ang pera niya.
Pero ayon sa girlfriend, “I never gave him any financial advice, except for telling him not to buy a car that was—in my opinion—unreliable and too expensive.”
Read: Oh no! Diamond wedding ring, aksidenteng nahulog sa tambakan ng basura
BOYFRIEND, MAY DEMANDS SA GIRLFRIEND
Naayos din naman nila ang di pagkakaunawaan.
Nagtanong si boyfriend kung magkano na ang savings ni girlfriend, na naging transparent naman at sinabi ang totoo.
Na-impress ang boyfriend sa laki ng savings ni girlfriend.
Nag-sorry ito dahil sa mga naunang naging reaction at mga paratang sa kanya.
Nagpahiwatig din siya na gusto nitong bumili talaga ng kotse.
Read: Babae nagtanong sa Tinder match kung bakit ito ang dapat ka-date; sagot ng lalaki, naka-PowerPoint
Pero napanganga ang babae sa sunod pang sinabi ng lalaki.
Gusto ni boyfriend na si girlfriend ang magbayad sa kotse bilang birthday gift sa darating na March.
Parang lumabas ang tunay na kulay ng lalaki nung nagsama na sila, at nalaman ang financial status ng babae.
Naging seloso at bitter daw ito.

Madalas din itong mag-rant sa kanya na kung siya raw ang nanalo sa lotto, baka mas napalago nito ang pera.
“He’s saying that my money is wasted on me because I don’t ‘make it make money.’"
Dapat daw ay nagnegosyo si girlfriend sa halip na nasa bangko lang ang kanyang pera.
Sabi pa nito sa kanya, gagamitin nitong puhunan ang one-fourth ng kanyang savings at ipapakita sa kanya kung paano iyon palalaguin.
Read: Singaporean agrees to "marriage of convenience" with Pinay for PHP126K fee; now facing jail time
GIRL BREAKS UP WITH GUY
Ayon kay girlfriend, kung sa mapagkakatiwalaang financial advisor ay hindi siya humingi ng tulong, lalong hindi niya pakikinggan ang boyfriend kung paano i-i-invest ang kanyang pera.
Hindi siya makapaniwala na biglang nagkaroon ng character change ang lalaki mula nung nalaman nitong nanalo siya sa lotto.
“He thinks he’s so clever, but I am thoroughly disgusted. It is absolutely over between us.”
Read: Bride gets flak for requiring wedding guests to pay PHP3K
Nag-agree naman sa girl ang mga nakabasa ng kanyang kuwento. T
ama lang daw na layuan na niya ang guy dahil obvious umano na gold digger ito.
Ayon sa isang nagkomento, “You need a quick and safe exit, boyfriend sounds unhinged.”
Sambit naman ng isa pa, “Insecure, jealous and he has now shown his true colors. Get him out of your house before you become de facto, then he can claim half of what you have.”
Read: CHECK THIS OUT: Tiger rice cooker na kayang magluto gamit ang diyaryo
