PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Guy nag-stage ng armed robbery para mag-propose sa girlfriend

Maraming hindi naman natuwa.
by KC Cordero
Published Feb 6, 2024
Screenshot from the video
Kahit creative ang naisip na paraan ng lalaki para mag-propose sa kanyang girlfriend, ayon sa netizens ay hindi dapat nino-normalize ang anumang uri ng karahasan.

Iba-iba na ngayon ang paraan ng pagpo-propose ng isang lalaki sa kanyang girlfriend.

Sa social media, bibihira nang makakita ng old-fashioned proposal na romantic candlelight dinner, saka ilalabas ang singsing, at magtatanong ang boyfriend sa girlfriend ng: “Will you marry me?”

Ang mga paandar ngayon, either mas bongga o mas kakaiba.

Read: PEP OUTTAKES: Can you be friends with an ex?

Last January 28, 2024, nag-post ng video clip sa Instagram ang Pulzo, isang news website sa Colombia, ng “bizarre” na marriage proposal.

Naganap ito sa Cali, isang lungsod sa Colombia.

Pinalabas na ang proposal ay isang armed robbery para sorpresahin ng lalaki ang kanyang girlfriend.

Read: Lalaking ayaw maligo at magsepilyo, idinemanda ng misis

HOW THE ARMED ROBBERY HAPPENED

Sa simula ng video, makikita ang isang pulang kotse na papatawid sa intersection.

Bigla itong hinarangan ng isang naglalakad na lalaki at ng apat pang lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang huminto ang pulang kotse, minanduhan ng mga lalaki ang couple sa loob ng kotse na bumaba.

Read: Wedding proposal bashed for being "so poor" gets grand ending, thanks to sponsors

Screenshot from the video

Read: Oh no! Diamond wedding ring, aksidenteng nahulog sa tambakan ng basura

HOW THE ROBBERY SEGUED INTO PROPOSAL

Isang lalaki ang nagtutok sa babae ng tila baril na nakatakip naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ibang mga lalaki naman ay puwersahang pinababa ang lalaking kasama ng babae.

Pinagharap ng mga humarang ang magkapareha, at habang hawak ng isa ang babae ay pinaluhod naman ng iba pa ang lalaki sa harapan nito.

Matapos ito, tumigil sa pagsigaw ang mga lalaking nangharang.

Ang nakaluhod na lalaki ay naglabas naman ng singsing, at nag-propose sa babae.

Read: Babae nagtanong sa Tinder match kung bakit ito ang dapat ka-date; sagot ng lalaki, naka-PowerPoint

Screenshot from the video

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Singaporean agrees to "marriage of convenience" with Pinay for PHP126K fee; now facing jail time

Nagpalakpakan ang mga lalaking nangharang sa kanila.

Matapos ma-realize ng babae na prank lang ang lahat, pabirong sinampal-sampal nito ang lalaki.

Isinuot naman ng lalaki ang singsing sa daliri ng babae.

Nagyakapan ang couple at nag-kiss, habang tuloy sa pagpalakpak at pagkakatuwaan ang mga kasabwat ng lalaki.

Read: Bride gets flak for requiring wedding guests to pay PHP3K

Screenshot from the video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Donasyong cheese sauce sa isang food bank, 1998 pa pala nag-expire

Bagaman at marami ang na-amuse sa delikadong prank, hindi nagustuhan ng maraming netizens ang marriage proposal idea ng lalaki.

Biro ng isang nagkomento, “You have to love someone wholeheartedly to be with them in health and sickness, in kidnappings or robberies.”

Sabi naman ng isa pa, mahahalatang muntik nang inatake sa puso dahil sa nerbiyos ang babae. Hindi pa man daw sila naikakasal, muntik na itong mabiyudo.

Nakakalungkot ayon naman sa isa pang nagkomento na tila nino-normalize sa mga ganitong sitwasyon ang violence and insecurity.

Read: CHECK THIS OUT: Tiger rice cooker na kayang magluto gamit ang diyaryo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit creative ang naisip na paraan ng lalaki para mag-propose sa kanyang girlfriend, ayon sa netizens ay hindi dapat nino-normalize ang anumang uri ng karahasan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results