It’s every parent’s nightmare!
Nakulong sa loob ng isang claw machine ang isang three-year-old boy dahil sa kalikutan nito.
Sabi ng tatay ng bata, tumalikod lamang siya saglit at paglingon niya ay nakapasok na at na-trap ang kanyang anak sa loob ng claw machine na puno ng Hello Kitty plushies.
Nakatanggap ng tawag ang mga pulis tungkol sa insidenteng naganap sa Capalaba shopping center noong nakaraang linggo sa Brisbane, Queensland sa Australia.
Dumating ang mga pulis, at nailabas nila ang bata matapos basagin ang salamin ng machine.
Nagtagal ng tinatayang 10-15 minutes sa loob ng machine ang bata.
Ayon sa pamunuan ng mall, ito ang unang beses na may nangyaring ganitong insidente sa 21 shopping centers nito sa Queensland.
Mapapanood sa kumalat na video kung paano ni-rescue ang batang na-trap.
Pagdating sa lugar, makikita na medyo aligaga ang mga magulang habang patuloy sa paglalaro sa loob ng claw machine ang three-year-old boy na si Ethan.
Inutusan nila si Ethan na pumunta sa isang sulok ng machine at takpan ang mga mata nito.

The toddler being instructed by his dad to stay at the farthest corner of the machine so the police could break the glass and get him out.
Saka binasag ng mga pulis ang salamin, at binuhat ang bata mula sa kumpol ng plushies.
Maririnig na joke ng isa sa mga pulis: “You won a prize, which one do you want?”
Read: Father of two little boys left alone in tree house in Lapu-Lapu City finally shows up

Ang toddler na si Ethan (blurred face) na nakaupo sa mga plushies nang basagin ang salamin para mailabas siya.
Read: 17-year-old becomes youngest bar passer in California
BASHED ON SOCIAL MEDIA
Sabi ni Timothy Hopper, tatay ng bata, hindi rin niya mawari kung gaano kabilis nakapasok sa loob claw machine ang kanyang anak.
Paano ba nakapasok sa machine ang bata?
“He loves claw machines … As he always does, he opened up the flap to be an opportunist.
“Then, within a split second, he crawled into the machine, the door closed behind him,” ani Timothy sa interview ng Australian media.
Read: Beauty candidate without Japanese blood wins pageant in Japan; gets mixed reactions
Sabi pa ng tatay, may mga nam-bash sa kanya dahil sa nangyari sa anak. Pero katuwiran naman ni Timothy, ganoon naman ang mga bata.
“I’ve got a bit of negative feedback over social media, [but] kids are going to be kids, they can move in the blink of an eye.”
Nang ma-trap daw ang kanyang anak sa loob ng machine, tinawagan ni Timothy ang claw machine company.
“They were asking me, ‘How much money have I put in the machine? Is the money stuck in the machine?’ My response was, ‘The only thing stuck in the machine is my child, I would love to have him back.’”
Sabi naman ng isa sa mga pulis na si Senior Constable Stuart Power, first time niyang maka-encounter ng ganitong insidente sa 11 years niya sa career.
Tatalakayin naman ng pamunuan ng shopping center kung ano ang susunod nilang safety measures para hindi na raw maulit ang ganitong insidente.
