PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Babae tanong sa Tinder match; lalaki sagot via PowerPoint

Netizens bilib sa effort ng lalaki
by KC Cordero
Published Feb 1, 2024
Screenshot of tweet
Sobrang creative ng Tinder match ng isang babaeng naghahanap ng ka-date. Nang tanungin niya ito kung bakit ito ang dapat niyang piliin, nagpadala ito ng link ng PowerPoint presentation para i-describe ang sarili.

Napakalaki na ng ipinagbago ng kultura ng pakikipag-date lalo na sa panahon ngayon ng digital era.

Maaaring makahanap ng ka-date sa pamamagitan lang ng kaliwa’t kanang pag-swipe sa screen ng gadget.

Sa nakalipas na dekada, ang mga dating apps gaya ng Tinder, Grindr, Bumble at Hinge ay tuluyang nagpabago sa paraan kung paano makipag-meet and date ang isang indibidwal.

Read: Singaporean agrees to "marriage of convenience" with Pinay for PHP126K fee; now facing jail time

Screenshot of dating app

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mom with 800 tattoos wears make-up to show what she really looks like

At sa dami ng pagpipilian ng puwedeng i-date, challenging ang makakita ng isang swak sa panlasa ng naghahanap.

Para naman mapili ng isang naghahanap, kailangan na ang dating profile ay angat kaysa sa iba.

Kaya naman ang mga gumagamit ng dating apps ay talagang over the top kung magpakita ng creativity para mapansin ang kanilang profiles.

Read: Bride gets flak for requiring wedding guests to pay PHP3K

Last January 27, 2024 ay nag-tweet ang X (formerly Twitter) user na si @tamanna tungkol sa kanyang naging experience sa paghahanap ng ka-date sa Tinder.

Ang kanyang tweet: “Asked my Tinder match why should I date him, and he sent me a link to this PowerPoint presentation.”

Kalakip ng kanyang tweet ang screenshots ng PowerPoint presentation ng lalaki.

Sa presentation ay binanggit ng lalaki ang mga hobbies at mga bagay na gusto nito gaya ng pagdi-gym, swimming,at pagtatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Drawing ng bata, umani ng "dark" interpretasyon sa guro

Screenshot of tweet

Isa rin umano itong foodie at mahilig kumain ng gol gappas.

Love niya ang kanyang aso, at magiging third wheel umano ito sa kanila ng kanyang magiging karelasyon.

Screenshot of tweet

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa isang slide, sinabi nito na, “Basically, I'm up for anything. From late-night chai shenanigans to Maggi dates with a mountain view."

Screenshot of tweet

Tinapos ng lalaki ang presentation sa pamamagitan ng listahan ng mga dagdag na tao bilang kanyang references na makapagsasabing isa siyang good match.

Kabilang sa listahan ang kanyang aso, ang aso ng kanyang kapitbahay, mga aso at pusa sa kalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakalagay rin bilang reference ang kanyang naging high school crush, security guard, at maging ang kanyang landlord.

Screenshot of tweet

Read: Malakas na paghilik ng kapitbahay, humantong sa malagim na krimen

Ang tweet ni tamanna ay naging viral at nakakuha na ng halos 327K views, at 2.7K reactions.

Bumilib naman ang netizens sa effort ng lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May iba namang hindi na-impress.

Komento ng isang netizen, gagawin din niya ang ganitong presentation.

Dagdag pa nito, “Maybe he is keeping a Google file access—to all."

Read: VIRAL: Babae na kahawig ng ina ni historian Ambeth Ocampo

Sambit naman ng isa, wala siyang problema sa mga tulad ng lalaki na talagang nag-e-effort para may maka-date na babae.

“But I genuinely want to know how many girls are putting the same kind or level of effort with the guys on dating apps?"

May nagpayo naman kay tamanna na subukang i-date ang lalaki.

"At least your Tinder match has a good sense of humor."

And besides, mukhang cute—ang aso.

Wala pang update si tamanna kung nag-date na sila ng kanyang Tinder match.

Read: Donasyong cheese sauce sa isang food bank, 1998 pa pala nag-expire

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sobrang creative ng Tinder match ng isang babaeng naghahanap ng ka-date. Nang tanungin niya ito kung bakit ito ang dapat niyang piliin, nagpadala ito ng link ng PowerPoint presentation para i-describe ang sarili.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results