Isang bride ang tinaguriang cheap ng kanyang kaibigan.
Kung bakit, may minimum charge kasi na US$65 o PHP3,663 ang pag-attend sa kanyang kasal.
At kabilang sa mga magbabayad ang kanyang mga kapamilya at kaibigan.
Ang “billing strategy” ng bride na hindi na pinangalanan ay ibinunyag sa Reddit ng isang nairitang bisita.
Tanong ng Redditor na nakilala sa username na theluckyone95, tama ba na ang mga bisita ang sasagot sa gastos sa kasal?
Aniya sa kanyang post, “One of my closest friends is getting married and is charging her guests to attend the wedding.
“I always knew she was cheap, so in one way I’m not surprised.”

Pagbabahagi pa niya, natanggap niya ang imbitasyon by mail.
Ayon sa instruction sa imbitasyon, kung magpapa-RSVP siya, required siya na magbayad ng PHP3,663.
Hindi umano sinabi ng bride kung para saan ang fee.
Read: VIRAL: Babae na kahawig ng ina ni historian Ambeth Ocampo
WHAT THE WEDDING FEE IS FOR?
Pagpapatuloy ni theluckyone95, “But after googling, it says it includes food, music, decorations, and venue.
“So, they literally want their guests to pay for decorations.”
Dagdag pa niya, kung gusto naman ng bisita na kumain sa reception, kailangan ding magbayad ng extrafee—na mas mababa kaysa PHP3,663.
At kung gustong mag-overnight sa venue, may panibagong charge na PHP5,500.
Ang regalo, hindi dapat bababa sa PHP16,500.
Read: VIRAL: Drawing ng bata, umani ng "dark" interpretasyon sa guro

Read: Malakas na paghilik ng kapitbahay, humantong sa malagim na krimen
Sambit pa ni theluckyone95, sa kabuuan, kung susundin ng isang imbitado ang billing strategy ng bride ay gagastos ito ng mahigit US$400 o PHP22,539.
Himutok niya, alam niyang mapera naman ang kanyang kaibigan.
“She inherited a lot of money from her grandma in advance.”
Isa rin aniyang engineer ang napangasawa nito.
Ang dalawa ay kasalukuyan ding nagpapa-renovate ng bahay.
Suspetsa niya, ginawang fund-raising event ng dalawa ang kasal para makalibre sa gastos, at makaipon ng pampa-renovate ng bahay.
“They are probably just trying to play it smart and make the guests contribute because as I said, I’ve always known she’s cheap.”
Read: Donasyong cheese sauce sa isang food bank, 1998 pa pala nag-expire
WEDDING FOR LOVE OR MONEY
Na-bash ang bride sa Reddit reply section.
Karamihan sa nagkomento ay nagsabing hindi sila dadalo kung ganito kalaki ang kanilang magagastos.
Tinawag din nila ang okasyon na “wedding for love or money.”
Read: Lalaki sumailalim sa dalawang "enlargement" surgeries, idinemanda ang doktor dahil lumiit
Anang isang nagkomento, itatanong muna niya kung puwede pa rin ba siyang magpunta sa reception kahit hindi siya magbayad—at magdadala na lang siya ng sariling pagkain. “That should be fair, right?”
Ayon naman sa isa pa, “This is so beyond tacky and tasteless. I hope she gets roasted for it.”
Ang gagawin naman ng isang netizen kung sa kanya nangyari ito, “I would send my regrets and my congratulations and that’s it.”
Read: Rapper na nakabuntis ng limang babae, pinagsabay-sabay ang baby shower
May isang nagkomento na sa kanyang country of origin—na hindi binanggit kung saan—ay nagbabayad ang mga bisita sa kasal.
Paliwanag nito, “The gift is almost always cash, and it’s used to pay for what is usually a lavish wedding.
“But that’s it. You don’t give any other presents, and nobody directly asks you for money.”
Sa isang kasalan ay expected nang makatatanggap ang mga bagong kasal ng cash o regalo—pero hindi usually nagde-demand ang bride o ang groom kung magkano ang dapat ibigay sa kanila.
Read: Original copy ng The Amazing Spider-Man issue No. 1 comic book, nabenta ng PHP84M
