PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mom with 800 tattoos wears make-up to show what she really looks like

Reaction ng kanyang anak: “Go back to your craziness, Mom.”
by KC Cordero
Published Jan 30, 2024
Photo of Melissa Sloan without and with tattoos
Twenty-six years nang puno ng tattoo ang mukha at katawan ni Melissa Sloan. Sinubukan niyang maglagay ng make-up para ipakita sa mga anak at ibang tao ang kanyang hitsura kung wala sana siyang body art.

Naging viral si Melissa Sloan noong 2022 dahil sa kanyang mahigit 800 tattoo sa buong katawan—100 nito ay nasa kanyang mukha.

Forty-six years old resident siya ng Wales.

Na-feature si Melissa ng Pilippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong July 17, 2023, matapos niyang muling mag-viral dahil sa kanyang predikamento na hindi siya matanggap sa trabaho dahil sa mga tattoo.

Read: Babaeng may 800 tattoos, hindi matanggap sa trabaho

Naikuwento niya na una siyang nagpa-tattoo noong siya ay 20 years old.

Photo of Melissa Sloan with tattoos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging addicted siya sa body art—na siyang naging sanhi para hindi siya ma-hire sa trabaho.

Hindi siya matanggap kahit noong nag-apply siya bilang comfort room cleaner.

Na-ban din siya sa mga gimmick places, at maging sa school ng kanyang mga anak.

Tinatanggihan na rin siya ng tattoo parlors dahil hindi na komportable ang mga ink artist na dagdagan pa ang kanyang body art.

Read: These netizens find look-alikes in old paintings; they all believe in reincarnation

Kaya naman nasorpresa ang kanyang pamilya nang maglagay siya ng make-up, at nakita ang tunay niyang hitsura nang walang tattoo.

Ang kanyang transformation ay ini-upload ni Melissa sa Facebook noong January 6, 2024.

Photo of Melissa Sloan without tattoos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ayon sa kanya, hindi niya inasahan ang naging reaction ng mga anak.

“None of them talked to me that day—the kids were having none of it.”

Sabi umano ng mga ito sa kanya, “’Go back to your craziness, Mom.’

“It’s like they were looking at a different person, a stranger.”

Read: Malakas na paghilik ng kapitbahay, humantong sa malagim na krimen

Kung harsh ang naging reactions ng kanyang mga anak, nagpakita naman ng kindness ang netizens kay Melissa.

Pero gaya ng kanyang mga anak, mas gusto na rin ng mga ito ang histura niya na puno ng tattoo.

Komento ng isa, “Beautiful, but much prefer seeing your tattoos instead.”

Susog ng isa pa, “Okay, that’s cool. But I much prefer the real you.”

Photo of Melissa Sloan without and with tattoos

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Fresh fish taped on ATMs; police arrest teen culprit

Naibahagi naman ni Melissa sa unang pagkakataon na ang pagpapalagay ng body art ang nagsilbing therapy niya mula sa mga bubog na dulot ng naging karanasan noong bata pa siya.

Pagtatapat niya, biktima siya ng sexual abuse.

Naparusahan naman ang gumawa nito sa kanya, at nahatulang mabilanggo ng 22 taon.

Read: VIRAL: Babae na kahawig ng ina ni historian Ambeth Ocampo

Nagkaroon si Melissa ng pitong anak. Lima sa mga ito ang hindi na nagpapakita sa kanya dahil sa kanyang mga tattoo.

Ang kanyang bunso umano ang sobrang na-shock nang patungan niya ng make-up ang kanyang body ink.

Ipinaliwanag din ni Melissa kung paano niya tinakpan ang mga tattoos.

Photo of Melissa Sloan without tattoos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’ve got proper tattoo foundation. I had to put it on thick.

“I used half a tub. It was like thick cement, really thick.”

Refreshing change para sa kanya na maipakita muli ang totoo niyang mukha.

“I get bored of these people telling me, ‘What’s that on your face?’

“I thought I’d have a change, and I put it on Facebook, and people said, ‘Is that you?'”

Ang sobrang ipinagtaka ni Melissa, noong araw na tinakpan niya ang mga tattoo sa kanyang mukha ay walang kumakausap sa kanya sa kanilang bahay.

“When the make-up came off again, they were back to normal—it should have been the other way around.”

Read: Two Pinoy OFWs dragged in murder of Japanese couple in Tokyo

Ang realidad aniya sa kanya ngayon—mas estranghero siya sa kanyang pamilya pag wala siyang tattoos.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Twenty-six years nang puno ng tattoo ang mukha at katawan ni Melissa Sloan. Sinubukan niyang maglagay ng make-up para ipakita sa mga anak at ibang tao ang kanyang hitsura kung wala sana siyang body art.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results