PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yogurt Firm Bets PHP563K on No-Phone Month

Kaya mo ba ang one-month digital detox?
by KC Cordero
Published Jan 25, 2024
Photo of locked smartphones
Isa ang Digital Detox Program sa mga paraan ng kumpanya ng yogurt para pansamantalang maibalik sa “real world” ang sampung masuwerteng mapipiling kalahok.

Kaya mo bang magpahinga muna sa paggamit ng iyong smartphone?

Kung keribels mo, may chance kang manalo ng USD10,000—o PHP563,555.

Nag-o-offer ang Siggi's, ang Icelandic yogurt brand, ng naturang halaga para sa 10 participants na lalahok sa Digital Detox Program ng kumpanya.

Ang mga kalahok ay dapat willing na hindi gumamit ng smartphone sa loob ng isang buwan.

Read: Samsung inilunsad ang Galaxy S24 series na may AI features

Photo of the challenge

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Abandoned dog with six legs gets PHP1M total donation for operation

Ang Digital Detox Program ay inspired ng sikat na “Dry January” trend, kung saan hindi muna iinom ng anumang alcoholic beverages mula January 1 hanggang January 31 para masimulan ang New Year with a healthy lifestyle.

Ang challenge naman ng Siggi's ay kung kakayanin ng mga participants sa Digital Detox Program na mag-disconnect muna sa digital world at mag-reengage sa real world.

Itatago sa isang provided box ang smartphones ng mga mapipilingi kalahok sa challenge.

Sa loob ng isang buwan, mamumuhay ang mga kalahok na parang nagbalik sa panahon na hindi pa uso ang gadgets.

Read: Lumang sofa na nabili ng PHP1,400, may nakasuksok na Rolex watch na nabenta ng PHP14 million

Photo of smartphone

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaki hindi alam na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo, 4 days pang nakapag-party

Ang sampung masuwerteng mapipili ay tatanggap ng US$10,000, isang retro flip phone na may prepaid SIM card para sa emergencies, at three-month supply ng Siggi's yogurt para manatiling energetic habang isinasagawa ang tech-free adventure.

Read: Kambal nagtapos bilang class valedictorian at salutatorian

Ayon sa inilabas na pahayag ng kumpanya sa website nito, “We believe in the power of living a simpler life with fewer distractions. One of the biggest distractions in our lives today is our phone.

“In fact, the average person spends 5.4 hours on their phones each day."

Para sa mga gustong sumubok sa challenge, i-click ang link na ito: https://hello.siggis.com/digital-detox.

Open sa lahat ang pagtanggap ng application hanggang January 31, 2024. Mahigpit ang isasagawang screening.

Hindi kailangang mag-purchase ng anumang produkto ng Siggi’s para makasali sa challenge.

Read: Lalaki sumailalim sa dalawang "enlargement" surgeries, idinemanda ang doktor dahil lumiit

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa ang Digital Detox Program sa mga paraan ng kumpanya ng yogurt para pansamantalang maibalik sa “real world” ang sampung masuwerteng mapipiling kalahok.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results