Hindi makapaniwala si Thea Culbreth Chamberlain ng Atlanta, Georgia, USA, nang maibalik sa kanya ang wallet ng kanyang ina na si Floy Culbreth makalipas ang mahigit anim na dekada.
Nawala ang maroon na wallet noong 1958. Six years old pa lang si Thea noon.

Ang laman ng wallet ay ilang raffle tickets, library card, family photos kasama ang isang black and white photo noong bata pa si Thea, credit cards sa department stores, at dental appointment card ni Thea na may petsang 1958.

Ang wallet ay natagpuan ng isang contractor noong October 2023 habang nagre-renovate ng Plaza Theatre, isang lumang sinehan sa Atlanta.
Sa pamamagitan ng mga laman ng wallet ay matiyagang na-research at na-trace si Thea sa Internet ng may-ari ng sinehan na si Christopher Escobar.
Sa kasamaang palad, pumanaw na si Floy noong 2005 sa edad na 87.
Read: Anak niregaluhan ang ama ng sports card na ibinenta 30 years ago para masuportahan ang pamilya
ANAK NG MAY-ARI NG WALLET, SPEECHLESS
Sa panayam ng The Washington Post na nalathala noong December 29, 2023, sinabi ni Thea na nang matanggap niya ang wallet ni Floy ay hindi niya maipaliwanag ang naramdaman at hindi siya makapagsalita.
Natagalan aniya bago nag-sink in sa kanya ang mga pangyayari.

Read: Secret why fruitcakes last long
Hindi umano niya alam na nawalan ng wallet ang kanyang ina habang nanonood ito ng sine.
Pero hindi na siya na-shock kahit 65 years pa ang lumipas bago niya nalaman ang insidente.
Pagtatapat niya, mahilig mamasyal si Floy na isang teacher.
Kilala rin ito na masayahin, mapagbigay, at mapagmahal sa mga kakilala.
Ani Thea, “She just had a way of welcoming people wherever she went and always making them laugh.
“I mean, Mother was like watching ‘I Love Lucy.’”
Read: Inspiring story of Angelo Lozano, BS Forestry cum laude and Top 5 in board exam
INTERNET NAGING SUSI PARA MAIBALIK ANG WALLET
Nang pumanaw si Floy noong 2005, itinatag ng pamilya ni Thea ang Culbreth Cup golf tournament bilang pag-alala sa ina at sa kanyang amang si Roy.
Ang kinikita ng event ay idino-donate sa United Cerebral Palsy of Georgia, kung saan isa si Floy sa founding members ng Atlanta chapter.

Read: Star Wars files plagiarism lawsuit against carwash in Chile called Star Wash
Dahil din sa Culbreth Cup’s website kaya nahanap ng may-ari ng sinehan si Thea, at naibalik ang wallet ni Floy.
Ayon kay Christopher, nakita ang wallet ni Floy sa lost-and-found area ng sinehan na abandonado na at nilagyan ng partition.
Bukod sa wallet, nakakita rin ng iba pang gamit na naiwan ng mga nanood ng sine gaya ng payong, sombrero, bote ng soft drinks, kahon ng sapatos na walang laman, at lumang popcorn display.
“We opened it [wallet] up and started realizing how chock-full of history it was.”
Ang misis niyang si Nicole ang nag-research sa Internet kung paano maisosoli ang wallet.
Nakita ni Nicole ang obituary kay Floy, ang Culbreth Cup website, at ang Facebook page ng anak ni Thea na si Wes Jones.
Nag-message ang mag-asawa kay Wes, at nagplano sila kung paano magkikita-kita.
Read: Disenyo ng Russian-made electric car prototype, naging katatawanan sa Internet
NAGBALIK DIN ANG MGA ALAALA
Noong November 19, 2023, nagkaroon sila ng meet-up sa Plaza Theatre.
Nilinis pang mabuti ni Christopher ang wallet ni Floy bago ibinalik sa pamilya nito.
Bulalas ni Thea pagkahawak sa wallet, “Oh, my goodness! This is hitting me more than I realized it would.”

Aniya, agad nagbalik sa kanya ang mga alaala ng kanyang ina.
“She was in there. I know it sounds kind of hokey, but she really was.”
Plano niyang ipa-frame ang mga laman ng wallet para lalong ma-preserve ang mga alaala ni Floy, at hindi na niya ito pababayaang mawalang muli.
Read: Vase na nabili lang ng PHP220, nabenta ng almost PHP6M
