Ang mga bata ang pinaka-excited sa pagsapit ng Pasko dahil sa magical elements nito, gaya ni Santa Claus.
Taun-taon, pagsapit ng ganitong panahon, inililista ng mga bata ang kanilang wish list at hinihintay na ilagay iyon ni Santa Claus sa kanilang isinabit na medyas o iwanan sa ilalim ng Christmas tree.

Read: Empleyada nakatanggap ng baked potato as Christmas bonus; kinaltasan pa ng tax
Last December 1, 2023 ay ibinahagi ng isang netizen sa Reddit ang photo ng wish list ng isang batang babae na nagtataglay ng mga mamahalin at bonggang regalo na nais nitong matanggap.
Ang Christmas wish list ay nagmula naman sa Project Santa, na pinamamahalaan ng United States Postal Service.
Sa kanyang liham, humiling ang batang babae ng mamahaling electronic items, gaya ng iPhone 15 Pro Max, Airpods Pro, Airpods Max, iPad Pro, isang Drawing projector, isang Polaroid camera, at isang MacBook.
Read: Bomba na dekorasyon sa isang garden, may light charge pa pala
Ayon sa Reddit user, tinitingnan niya at ng kanyang girlfriend ang liham ng mga bata kay Santa Claus.
Gusto niyang magpadala ng aginaldo sa ilang bata.
Aniya, “I assumed these letters that get posted in here are families that can't afford to get the kids something so they use this, so their Christmas doesn't suck."
Dagdag pa ng Reddit user, ang 90 percent ng mga batang sumulat kay Santa Claus ay umaasang makatatanggap ng US$500, at dagdag na regalo in kind.
Paglilinaw niya, “Me and my girlfriend can't afford to send something like that, and I assume 90 percent of the population can't either.”
Read: Pope Francis pinayagan na ang pagbebendisyon sa same-sex couples

Read: Cris Guiral, umangat ang buhay dahil sa 4ps, pagsisikap sa pag-aaral
Aniya, kung siya ang parents ng batang babae, papayuhan niya ito na humingi ng “something reasonable.”
“There's no way all these PS5s, iPhones, iPads, and Jordans are being bought and sent out.”
Tanong pa niya, “How do these parents not get their kids to write something reasonable, so they aren't super disappointed when they don't get US$500-US$2000 of electronics?"
Ang post ay nakatanggap ng magkakahalong reactions mula sa netizens.
Marami ang na-shock at nagsabing ang mga bata ngayon ay masyado nang spoiled.
Para naman sa iba, bukod sa unreasonable ang hinihiling na gadgets ng batang babae, ay nakakagalit din.
Hindi na umano interesado ang mga bata ngayon sa mga laruan.
Read: Genius na may master's at doctorate degrees, piniling maging jobless

Read: Huli ka, lola! Nakapulot ng smartphone na hindi password-protected; nag-shopping gamit ang e-wallet
Pero may ilan din naman na nagsabing ang mga bata ay naniniwala pa rin kay Santa Claus—na ito ang naglalagay ng regalo sa isinabit nilang medyas at hindi ang kanilang parents.
Paliwanag ng isa, huwag magalit sa bata dahil “wish list” lang naman iyon at nagkataon na naniniwala ito kay Santa Claus.
“I can't imagine these kids are going, ‘Well, the economy is rough right now, I don't think I should drain Santa's available financial resources.'”
Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot
Komento naman ng isa ay maluho rin ang mga nasa listahan niya noong bata pa siya.
Naniniwala umano siya noon kay Santa Claus kaya ang mga hiniling niya ay isang pony, ang buong winter collection ng Barbie dolls, bagong computer, at bagong bike na nakita niya sa mall.
Sambit pa ng nagkomento, “I thought Santa would be able to make at least some of them for me, so why hold back?”
Payo naman ng isang netizen, “Growing up without a lot of money to go around is rough.
“Wishing for things that may make you feel like you’re on top of the world are rarely ‘practical’ items, especially when you’re a kid.
“Give what you can or feel comfortable with, either way you’re doing a great thing.”
