Isang hindi sumabog na bomba ang bahagi ng dekorasyon ng garden sa labas ng bahay nina Jeffrey at Sian Edwards.
Ang mag-asawa ay residente ng Milford Haven, Pembrokeshire, Wales.
Nabili nila ang bahay noong 1982, at nadatnan na nila roon ang bomba.
Ayon kay Jeffrey na ngayon ay 77 years old na, sinabi sa kanya ng dating may-ari ng bahay na mahigit 100 years na ang naturang bomba sa kinapupuwestuhan nito sa garden.

Read: Huli ka, lola! Nakapulot ng smartphone na hindi password-protected; nag-shopping gamit ang e-wallet
Napulot umano ng original owner ang bomba sa kalapit na beach.
At simula nung nabili ni Jeffrey ang bahay, naging mahalagang bahagi na ng kanilang pang-araw-araw na buhay ang bomba sa garden.
Madalas nga itong paglaruan ng mga bata.
Pinipinturahan ito ni Jeffrey para hindi kainin ng kalawang.
Madalas din itong katukin ng kanyang misis gamit ang garden trowel.
Read: Genius na may master's at doctorate degrees, piniling maging jobless
BOMBA KAILANGANG I-DETONATE
Pero noong November 29, 2023, kumatok sa kanilang pintuan ang mga pulis.
Sinabi ng mga ito na kailangang imbestigahan ng Ministry of Defense ang bomba sa garden.
Ipinagbigay-alam din sa kanila ng mga pulis na kinabukasan, November 30, ay may darating na bomb disposal unit para kunin ang bomba.

Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot
Kailangan ding i-evacuate ang buong kalye.
Kung matutuklasan umano na “live” pa ang bomba, delikadong alisin iyon sa puwesto nito kaya kailangang doon na rin i-detonate.
Ayon kay Jeffrey sa panayam sa kanya ng Wales News, hindi sila nakatulog na mag-asawa nung gabing iyon.
Kuwento niya, 41 years na silang naninirahan sa bahay kaya hindi nila kayang iwan ang kanilang ari-arian.
Ani Jeffrey, “I told the bomb squad, 'If you evacuate the street, the wife and I are not leaving our home—we're staying here.'"
At kung sakali aniyang live pa ang bomba, at kailangangi-detonate ito mismong kinaroronan nito, “We'll go out with our home and everything with it.”
Read: Kid wins badminton tournament; buys gift for helper
“IT'S LIKE AN OLD FRIEND GOING”
Sinabi rin ni Jeffrey sa panayam na sa mahabang panahon ay inakala niyang dummy lang ang bomba at ginamit ng Navy sa training exercises bago ang First World War.
Ang good news, natuklasan ng bomb disposal unit na bagaman at may "light charge" ang bomba, hindi na ito sasabog nang kusa.
Nagawa rin nila itong alisin sa kinapupuwestuhan nang hindi na kailangang mag-evacuate ng mga residente sa buong kalye.
Na-detonate na ang bomba sa isang malapit na quarry noong December 7.
Read: PHP500K-worth Gold Air Jordan 3 ng Hollywood director, natagpuan sa donation bin ng isang shelter

Read: Need to reheat food anytime, anywhere? Presenting first-ever microwave bag
Nalaman ni Jeffrey na nabiyak sa dalawa ang bomba.
Sa pagsusuri naman ng bomb disposal unit, napag-alamang nagmula ito sa isang British warship at na-manufacture noong 1880s.
Biro niya sa media, mabuti na lang at hindi na malakas ang naging pagsabog ng bomba.
Kung nagkataon kasi na full charge pa ito, maraming bahay ang masisira.
Sigurado aniyang magagalit sa kanya ang mga kapitbahay.
Hiling naman niya na ma-assemble muli at mailagay sa museum ang bomba, bagaman at mas gusto niyang nasa garden pa rin sana niya ito.
Ani Jeffrey, “It's like an old friend going.”
Read: 3 magkakaopisina, nag-avail ng naka-promo na nose job; retoke, palpak
