PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Genius na may master's at doctorate degrees, piniling maging jobless

Siya ang tinaguriang “China’s youngest graduate student.”
by KC Cordero
Published Dec 19, 2023
Photo of Zhang Xinyang then and now
Sumikat at naging popular noon si Zhang Xinyang sa media dahil sa sobra niyang talino. Pero nang maka-graduate, makalipas ang dalawang taon na pagtatrabaho ay mas ginusto niyang tumambay at mamuhay nang walang pressure.

Simula pagkabata, ang taas ng expectations kay Zhang Xinyang, isang child prodigy.

Ang kanyang pamilya ay nagmula sa Liaoning province ng China.

Limang taon pa lang si Zhang ay ini-enroll na siya sa grade one, pero makalipas ang anim na buwan ay na-accelerate siya sa grade five.

Read: "Gifted child" Shaira Luna, no regrets kahit hindi naging doctor o scientist

Photo of young Zhang Xinyang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ten years old pa lang, nagkolehiyo na siya.

Nakilala si Zhang noon bilang “China’s youngest university student.”

Pagsapit niya ng 13 years old, pumasok na siya sa graduate school.

Kinilala rin siya bilang “China’s youngest graduate student.”

Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot

NAGPABILI SI ZHANG NG FLAT SA PARENTS

Noong 2011, sa edad na 16, naging doctorate student si Zhang sa Beihang University, isang top Chinese university sa Beijing.

Kumuha siya ng PhD sa Applied Mathematics.

Naging kontrobersiyal noong panahon na iyon si Zhang dahil nag-demand siya sa kanyang parents na bilhan siya ng flat sa Beijing na nagkakahalaga ng two million yuan (PHP15,360,400).

Photo of young Zhang Xinyang with his parents

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kid wins badminton tournament; buys gift for helper

Kung hindi siya ibibilhan ng flat, hindi raw niya itutuloy ang kanyang PhD.

Igi-give up din umano niya ang kanyang master’s degree.

Ang katwiran niya, "When I came to Beijing and Tianjin when I was 10 years old, I could feel the differences between me and the local kids strongly.

"If you don't even have a house in Beijing, what use would the Ph.D. degree have?"

Sabi pa niya sa kanyang parents, “You expect me to stay in Beijing more than anyone, and you should try hard for this.”

Pinagbigyan ng mga magulang si Zhang.

At that time, iniulat ng China Central Television (CCTV), ang state network ng China, na masayang-masaya ang binata dahil may sarili siyang apartment at opisyal nang nakarehistro bilang residente ng Beijing.

Puwede na rin siyang maghanap ng trabaho.

Isa aniya itong tagumpay.

Read: PHP500K-worth Gold Air Jordan 3 ng Hollywood director, natagpuan sa donation bin ng isang shelter

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NAGBAGO ANG PANANAW SA BUHAY

Nakumpleto niya ang kanyang doctorate degree noong 2019.

Naging lecturer siya sa Ningxia Normal University sa Ningxia Hui, isang maliit na autonomous region sa north-central China.

Pero makalipas ang dalawang taon, nag-resign si Zhang.

Nagbago rin ang kanyang pananaw sa buhay.

Mas ginusto niyang tumambay maghapon at magdamag.

Read: 3 magkakaopisina, nag-avail ng naka-promo na nose job; retoke, palpak

WHERE IS ZHANG NOW?

Sa ngayon, sa edad na 28, wala siyang full-time job.

Kokonti na rin ang perang natitira sa kanyang bank account mula sa kinita sa pagtuturo.

Ang siste: ang flat pala niya ay nirentahan lang ng kanyang parents.

Nagsinungaling ang mga ito sa kanya.

Read: Need to reheat food anytime, anywhere? Presenting first-ever microwave bag

Doon pa rin siya nakatira sa flat—at ang parents pa rin niya ang nagbabayad.

Pinadadalhan pa rin siya ng mga ito ng pera.

Sa panayam kay Zhang ng Jiupai News, isang Chinese media outlet, noong September 20, 2023, ang kawalan niya ng interes sa propesyon ay kasalanan ng kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of Zhang Xinyang now

Read: Son-in-law hindi welcome sa bahay ng biyenan, bakit kaya? Netizens pabor sa desisyon ng biyenan

Aniya, “They owe me this.

“The apartment they never bought me should be worth over 10 million yuan [US$1.4 million] now.”

Masaya at kuntento rin umano siya sa kanyang kalagayan ngayon, at wala naman siyang maraming hinahangad sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala siyang stress—at ito ang kanyang chosen path.

Nakakatipid siya sa gastusin sa pamamagitan ng pagkain lang ng mga gulay.

Paminsan-minsan ay tumatanggap siya ng part-time job sa mga kaibigan, pero ayaw na talaga niya ng full-time job.

Napag-alaman na ang ama ni Zhang ay isa ring gifted child at bahagi sana ng first-generation graduates ng MBA program sa Renmin University, pero hindi kinaya ng pamilya nito ang gastos.

Para sa ama ng binata, ang anak sana niya ang magpapatuloy ng hindi nito na-achieve noon.

Pero sambit ni Zhang, “My parents gave birth to me and imposed their dream on me, hoping that one day I would achieve what they wanted to gain in the past.

“They planned my life for me, trying to make me think that what they were leading me to do was what I wanted to do.”

Read: News anchor binuweltahan ang male viewer na pinintasan ang kanyang katawan at pananamit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GUSTO NIYANG MAGING ORDINARYONG TAO

Ang kontrobersiyal na desisyon ni Zhang ay naging mainit na paksa ng talakayan sa Weibo, isang Chinese microblogging site.

Ayon sa isang nagkomento, masyadong na-obsess ang parents ni Zhang sa kanyang pagiging genius kaya na-miss niya ang growing process sa natural na paraan.

Photo of Zhang Xinyang as a bummer

Read: Barber shop na maraming customer na panot, may kakaiba palang aktibidad

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may nagsabi ring sadya lang sigurong tamad si Zhang dahil adult na rin naman siya nang mag-give up.

Arogante rin umano ito at walang respeto sa mga magulang.

Para naman sa isang naging undergraduate teacher ni Zhang, may panahon pa siya para makagawa ng “big thing” kung gugustuhin niya.

Pero para kay Zhang, ang tingin niya sa sarili ay isang ordinaryong tao. Ayaw rin niyang tinatawag siyang isang henyo.

Read: DOH: Iwasan ang maalat, mataba, at matamis na pagkain ngayong holiday season

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sumikat at naging popular noon si Zhang Xinyang sa media dahil sa sobra niyang talino. Pero nang maka-graduate, makalipas ang dalawang taon na pagtatrabaho ay mas ginusto niyang tumambay at mamuhay nang walang pressure.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results