PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot

“Surely they wanted to sell it at half price.”
by KC Cordero
Published Dec 17, 2023
Photo of rubber shoes
Sinabi ng may-ari ng store na kung hindi mababawi ang nanakaw na 220 pangkanan na rubber shoes, malulugi rin siya. Dahil gaya ng sitwasyon ng mga magnanakaw, wala rin namang bibili ng sapatos na pangkaliwa lang.

Pinuntirya ng tatlong magnanakaw ang isang sporting goods store sa Huancayo na nasa sentro ng Peru noong April 30, 2023.

Ang insidenteng ito ay muling nag-circulate sa social media kamakailan.

May kakaiba kasi itong twist.

Bandang alas tres ng madaling araw nang isagawa ng tatlong kawatan ang krimen.

Nagawa nilang putulin ang padlocks sa likod ng tindahan, at nakapasok sila sa loob ng store.

Nakuha nila ang tatlong malalaking crates na naglalaman ng mga rubber shoes na iba’t iba ang brand.

Read: Maskaradong suspek sa pagnanakaw, nakilala dahil sa colorful underwear

Photo of rubber shoes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaki, inakalang may colon cancer dahil sa self-diagnosis; nag-suicide attempt gamit ang grinder

Ang hindi alam ng mga ito, ang laman ng mga crates ay 220 rubber shoes na pangkanang paa lang.

At kung bakit puro pangkanan na sapatos lang ang laman ng mga crates, napag-alaman na ang may-ari ang nag-ayos dahil idi-display sana ito sa gaganaping local sports goods fair.

Suspetsa ng mga awtoridad, tiyak na itinago lang ng mga magnanakaw ang puro kanan na sapatos.

Wala naman umanong bibili kahit sa black market ng sapatos na walang kapares.

Read: Artist creates diorama of 1939 family home: “Para mabalikan ko ang masasayang alaala.”

Photo of rubber shoes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Puno ng saging sa gitna ng daan, pinaalis after 2 years, kung kelan nagsimulang namunga

Sa ulat ng América Noticias, isang regional media outlet sa Peru, sinabi ng pulisya na maging ang mga nag-imbestiga sa scene of the crime ay natawa nang malamang puro pangkanan ang nanakaw na sapatos.

Biro tuloy ng isang X (formerly Twitter) user,

“Surely they [robbers] wanted to sell it at half price.”

Read: VIRAL: Estatwa ng Virgin Mary, lumuluha; peke o himala?

Photo of rubber shoes

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver

Gayunpaman, kahit naiwan ang pangkaliwang paa na pareha ng mga nanakaw na sapatos, sinabi ng may-ari ng store na kung hindi mababawi ang nanakaw na 220 pangkanan, malulugi pa rin ito ng hanggang US$13,000 (PHP724,249.50).

Ayon sa may-ari, gaya ng sitwasyon ngayon ng mga magnanakaw, wala rin naman bibili ng sapatos na pangkaliwa lang.

Ang masaklap pa, ilang buwan pa lang nag-o-operate ang sporting goods store.

Wala nang naging update sa naganap na nakawan, maliban sa madalas mag-circulate

sa social media ang nakakatawang krimen.

Read: Sideline ng 21-year-old student na paggawa ng stickers, big business na

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinabi ng may-ari ng store na kung hindi mababawi ang nanakaw na 220 pangkanan na rubber shoes, malulugi rin siya. Dahil gaya ng sitwasyon ng mga magnanakaw, wala rin namang bibili ng sapatos na pangkaliwa lang.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results