Gusto sana ng magkakaopisina na sina Lara, Vhine at Judith na mas bongga ang kanilang kagandahan pagsapit ng Christmas party ng kanilang kumpanya.
Kaya bago pa man ang masayang okasyon, isinagawa na ng tatlo ang beauty transformation.
Iisa ang kanilang nais ipabago—ang kanilang ilong.
Ngunit ang masaklap, hindi iyon naging successful.
Ayon sa report ni Carby Basina ng GMA Integrated News noong December 10, 2023, inilahad nina Lara, Vhine at Judith ang kanilang naging experience sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Read: Son-in-law hindi welcome sa bahay ng biyenan, bakit kaya? Netizens pabor sa desisyon ng biyenan
Kuwento ni Lara, malaki ang kanyang insecurity pagdating sa kanyang ilong.
"Kasi kapag nagpi-picture ako, ang hirap pong humanap ng magandang anggulo.
“Kailangan lagi mo siyang i-enhance.”
Dagdag pa ni Lara, “Sa aming magkakapatid, ako yung pinakapango."
Siya rin ang unang nakadiskubre tungkol sa promo sa rhinoplasty o nose job ng isang clinic na hindi na tinukoy.
Naisip niya, why not? Bukod sa ang nose job ang magiging regalo niya sa sarili ngayong Pasko, naisip din niyang nagpapakasipag naman siya sa trabaho at todo-ipon kaya kailangan din niyang pasayahin ang sarili.
"Sabi ko, deserve ko ng ilong sa Pasko!"
Read: News anchor binuweltahan ang male viewer na pinintasan ang kanyang katawan at pananamit
NAMURAHAN SA PROMO
Ang promotional price ng procedure ay PHP55,000 mula sa original price na PHP70,000-P100,000.
Ani Lara, "Nakita ko na maganda naman yung gawa sa kanila kaya na-convince din po talaga ako."
Noong August ay ipinaretoke na niya ang kanyang ilong.
Kuwento ni Lara, "Nung inooperahan po ako, wala naman po akong actually nararamdaman na masakit right after the procedure kasi okey naman po."
Masaya aniya siya sa naging resulta.
Nag-post pa siya ng kanyang selfies with her brand-new nose sa kanyang social media accounts.
Read: Barber shop na maraming customer na panot, may kakaiba palang aktibidad
Ikinuwento niya iyon kina Vhine at Judith.
Naging interesado rin ang dalawa na ipagawa ang kanilang mga ilong.
Isang buwan matapos maoperahan si Lara, nagpagawa na rin ang dalawa.
Ginamit ni Vhine ang kanyang naiipong pera para sa procedure.
Ang boyfriend naman ni Judith ang sumagot sa kanyang nagastos.
Ang doktor din ni Lara ang gumawa sa ilong nina Vhine at Judith.
Read: 81-year-old lolo, walang tulog simula 1973
NOSE JOB, PALPAK
Yun nga lang, may mga sumulpot na problema ilang linggo matapos ang operasyon.
Pagbabahagi ni Lara, "After seven days, tinanggal yung cast sa ilong ko.”
Napansin umano niya na hindi pantay ang kanyang ilong.
“Ang sabi ni Doc, dahil lang sa swelling.”
Nagpabalik-balik siya sa clinic ng doktor at tinuturukan siya ng steroid para diumano mawala ang pamamaga ng kanyang ilong.
Read: 1000-Piso Polymer Banknote puwedeng ipambayad kahit may tupi

Pero ani Lara, “Hanggang sa ika-fourth month na, last na checkup ko, hindi talaga siya [pamamaga] nawawala."
Malungkot pa niyang sambit, "As in tabingi po talaga yung pagkakagawa. Sobrang na-stress ako!"
Napilitan siyang lumapit sa ibang doktor.
Sabi umano ng panibagong doktor na tumingin sa kanya, hindi dahil sa swelling kaya tabingi ang kanyang ilong.
Nasobrahan daw ng cartilage sa isang bahagi kaya mukhang tabingi.
Read: Lola nabubuhay sa tubig at soft drinks matapos tamaan ng kidlat noong 1963
Ganito rin ang nangyari kay Vhine.
Ani Vhine, nakakapa niya ang pinakadulo ng implant sa kanyang ilong.
Mali aniya ang pagkakapuwesto ng implant.
May sinusitis din siya kaya lalong lumala ang kanyang kondisyon.
"Pagkatapos ng procedure, namamaga na yung ilong ko.
"Pag hinawakan mo, mararamdaman mo yung parang implant sa taas.
"Hindi siya naghihilom kasi mali talaga yung pagkakalagay!”
Madalas namang magdugo ang ilong ni Judith. Kahit niresetahan siya ng doktor ng gamot, hindi tumitigil ang pagdurugo.
Read: Meet Jigger Geverola: Bar passer behind bars; mastermind sa pawnshop robbery
DOKTOR POSIBLENG MADEMANDA
Gusto nina Lara, Vhine at Judith na makipag-usap sa kanila ang doktor na gumawa ng kanilang mga ilong.
Sinubukan ng KMJS team na kontakin ito, pero tumangging magpa-interview.
Lumapit naman ang tatlo sa ibang doktor.
Ang good news, inalis na ang mga fillers na inilagay sa kanilang mga ilong.
Kasalukuyan silang nagpapagaling.
Read: KathNiel breakup memes go viral after Kathryn Bernardo and Daniel Padilla confirm split
Ayon sa Philippine Association of Plastic Reconstructive and Aesthetic Surgeons (PAPRAS), may standard na sinusunod pagdating sa pag-aayos ng ilong.
Pahayag ng PAPRAS, "Our responsibility is to make sure that our patients get the treatment that may benefit them, at the same time, it should be safe and ethical."
Sinabi naman ni Atty. Rizzle Mae Ostia-Alburo na kung mapapatunayan sa naging kapabayaan ang doktor, maaaring magdemanda laban dito ang mga biktima.
Dahil sa naging experience, may paalala si Lara sa mga gusto ring magparetoke.
Aniya, "Wala namang mali sa pag-enhance.
“Pero siguro mag-research na lang ding maige. And huwag magpapadala sa mga nagre-refer or nag-o-offer ng promo."
Read: Person with male and female sex organs finally chooses to be a woman
