PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anchor Critiques Male Viewer’s Style

Male viewer, 4 years na siyang bina-body shame sa emails
by KC Cordero
Published Dec 12, 2023
Photos of Leslie Horton
Kalmado at walang galit ang naging sagot ng news anchor sa isang male viewer na sinabing mukha siyang buntis. Sabi niya, "No, I’m not pregnant. I actually lost my uterus to cancer last year, and this is what women of my age look like. So if it’s offensive to you, that is unfortunate."

Habang live na nag-uulat si Leslie Horton ng lagay ng trapiko noong December 7, 2023, isang email ang nag-appear sa station inbox mula sa isang male viewer.

Huminto sa pagbabalita si Leslie, at sa halip ay sinabi niyang sasagutin muna niya ang email na katatanggap lang niya.

Aniya, ang sabi ng nagpadala ng email: “Congratulations on your pregnancy; if you’re going to wear old bus driver pants, you have to expect emails like this.”

Ang pinatutungkulan ng nagpadala ng email ay ang kanyang katawan at suot na damit.

Read: 81-year-old lolo, walang tulog simula 1973

Screenshot of the video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 81-year-old lolo, walang tulog simula 1973

Si Leslie ay anchor ng Global News Calgary, isang Canadian media company.

Ang nagpadala sa kanya ng email ay isang male viewer.

Malumanay na sagot dito ni Leslie sa live telecast, “No, I’m not pregnant.

“I actually lost my uterus to cancer last year, and this is what women of my age look like.”

Dagdag pa niya, “So if it’s offensive to you, that is unfortunate. Think about the emails you send.”

Read: 1000-Piso Polymer Banknote puwedeng ipambayad kahit may tupi

MALE VIEWER, 4 YEARS NANG NAMBA-BODY SHAME

Si Leslie ay cancer survivor matapos dapuan ng endometrial cancer noong 2021.

Ibinahagi rin niya na hindi ito ang unang pagkakataon na nilait siya ng naturang male viewer.

Apat na taon na aniya itong nagpapadala sa kanya ng katulad na mapanakit na email.

Aniya sa panayam sa kanya ng kanilang network matapos ang insidente, ang plano talaga niya ay huwag nang pansinin ang lalaking troll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I put it aside and prepared for my next traffic report as usual. But as I started my traffic hit, those words just came out of my mouth.”

Read: Lola nabubuhay sa tubig at soft drinks matapos tamaan ng kidlat noong 1963

Sceenshot of the video

Read: Lalaki natuklasan ang masakit na katotohanan sa pagbunot sa apat niyang ngipin

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi umano niya kinabisa ang mga sinabi niya sa lalaki, “They just came from my heart.

“I think what it might have been is I had a pretty public cancer battle last year and I lost my uterus. And lots of viewers knew about that.

“So, to say to a 59-year-old woman who lost her uterus to cancer, ‘Congratulations on your pregnancy,’ is mean.

“It was meant to shame me, to humiliate me, to embarrass me.”

Read: KathNiel breakup memes go viral after Kathryn Bernardo and Daniel Padilla confirm split

LESLIE PINURI NG NETIZENS

Ani Leslie, kusa raw lumabas sa bibig niya ang mga sinabi niya sa lalaki dahil wala itong alam tungkol sa kanyang mga pinagdaanan.

Pero paglilinaw niya, ang naging sagot niya sa lalaki ay walang halong galit, “It was quite calm, and it was very, very authentic.”

Read: Person with male and female sex organs finally chooses to be a woman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi pa niya, ang mga kababaihan sa broadcasting industry ay pamilyar sa mga mapanakit na emails mula sa viewers—na pinipintasan ang kanilang anyo, pananamit at kung anu-ano pa.

Aniya, kalimitan ay binabalewala na lang nila ang mga ganitong pag-atake—kahit nakakabigat sa kanilang kalooban.

At dahil sa pambabara niya sa kanyang troll, ang mga salitang sinambit ni Leslie ay sinang-ayunan ng netizens.

Read: “Golden Voice” ng Philippine radio na si Manolo Favis, pumanaw na

Screenshot of the comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Super fan ng Titanic movie, target makakolekta ng 1 million VHS copies

Matapos ibahagi ng Global Calgary ang clip sa X (formerly Twitter), nakatanggap si Leslie ng napakaraming suporta mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nakatanggap din siya ng imbitasyon para magsalita tungkol sa isyu mula sa iba’t ibang news outlets sa North America.

Tinawag din siya sa social media na isang bayani. Marami rin ang nag-share ng kanilang sariling kuwento ng online harassment and bullying.

Read: How taxpayers can avail themselves of digital TIN ID

MGA LALAKI NA MAY "SENSE Of ENTITLEMENT" PARA MAMINTAS NG MGA BABAE

Sinabi naman ni Michael Kehler, isang masculinities research chair sa University of Calgary’s Werklund School of Education, na nang una niyang mapanood ang video ay nakaramdam siya ng “a mixture of surprise and then not surprise.”

Ani Kehler, binibigyang-diin ng insidente ang long-standing fact na may mga lalaking ang pakiramdam sa sarili ay mayroon silang lisensya o “sense of entitlement” na husgahan at maliitin ang mga babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Partikular daw sa mga ganitong lalaki ang mga kababaihan na may mataas na posisyon at may taglay na kapangyarihan.

Read: Taking selfies “legitimately dangerous,” according to research

Sa kaso ni Leslie, sinabi ni Kehler na ang naging sagot ng news anchor sa lalaki ay very appropriate.

Kalmado rin aniya ang naging approach ni Leslie, direkta ang sagot sa komento, diplomatiko at napakalinaw.

Sinabi rin ni Kehler na nararapat lang ang ginawa ni Leslie.

Dagdag pa niya, panahon na para tumindig ang sinuman laban sa misogynistic, homophobic, transphobic, at iba pang shaming behaviors ng mga online bashers.

Read: Photo ng ibon na tila pinapalayas ang isa pang ibon, wagi ng award

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kalmado at walang galit ang naging sagot ng news anchor sa isang male viewer na sinabing mukha siyang buntis. Sabi niya, "No, I’m not pregnant. I actually lost my uterus to cancer last year, and this is what women of my age look like. So if it’s offensive to you, that is unfortunate."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results