PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lalaki natuklasan ang katotohanan sa ngipin

Hindi lang isa kundi apat na ngipin
by KC Cordero
Published Dec 5, 2023
Dental procedure
Sobrang lakas ng loob ng janitor para magpanggap na dentista at bunutin ang apat na ngipin ng pasyente. Walang doctor’s stamp ang ibinigay nitong prescription kaya nabuking. (Photo for illustration purposes only)

Bangungot ang sinapit ni Hakan Yildirim, 42, ng Istanbul, Turkey, matapos sumakit ang kanyang ngipin.

Nangyari ang insidente mahigit isang buwan na ang nakalilipas.

Sa tindi ng sakit, tumawag siya sa isang dental clinic sa Kathane district para sa emergency appointment.

Man covering his mouth

Read: KathNiel breakup memes go viral after Kathryn Bernardo and Daniel Padilla confirm split

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sumagot sa kanya sa kabilang linya ay si Cemal Senaslan, at nagpakilalang isang dentista.

Sinabihan si Hakan ni Cemal na magpunta sa clinic sa gabi para ma-check up ang kanyang ngipin at para maresolba ang kanyang iniinda.

Pagdating ni Hakan sa dental clinic ay masiglang sinalubong siya ni Cemal.

Habang nag-uusap ay ipinagmalaki pa ni Cemal na isa rin itong lecturer sa dentistry department ng isang university, kaya naman lalo siyang nakampante.

Wala siyang kamalay-malay na nakatakda niyang malasap ang pinakamasakit na karanasan sa kanyang buhay.

Read: Person with male and female sex organs finally chooses to be a woman

ANG MASAKIT NA PROSESO NG PAGBUNOT SA APAT NA NGIPIN

Matapos suriin ang kanyang mga ngipin, sinabi ni Cemal na kailangang bunutin ang apat na ngipin sa harap na nasa itaas.

Na-shock si Hakan.

Sinabi niya sa dentista na sa pagkakaalam niya, ang nabubulok na ngipin ay hindi na dapat bunutin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nairita umano si Cemal, at singhal nito sa kanya (translated from Turkish to Tagalog): “Tinuturuan mo ba ako sa trabaho ko?”

Dental procedure

Read: “Golden Voice” ng Philippine radio na si Manolo Favis, pumanaw na

At dahil sinabi nga nito sa kanya na isa itong dentistry university lecturer, wala na siyang nagawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinaksakan si Hakan ni Cemal ng pampamanhid, at pagkatapos ay sinimulan na nitong bunutin ang apat na ngipin.

Habang ginagawa ang proseso ay patuloy ito sa pag-assure sa kanya na kailangang bunutin ang mga iyon, at mapapalitan naman ng magandang pustiso.

Nalampasan ni Hakan ang napakasakit na proseso, at siningil pa siya ni Cemal ng 1,000 Turkish liras (PHP1,936.15) bilang kabayaran.

Binigyan din siya nito ng prescription kung anong gamot ang iinumin.

Read: Super fan ng Titanic movie, target makakolekta ng 1 million VHS copies

Nagsimulang magduda si Hakan kay Cemal nang nasa pharmacy na siya.

Sinisingil kasi siya ng pharmacist sa gamot na binibili niya, samantalang dapat ay covered ito ng kanyang mandatory medical insurance.

Sabi sa kanya ng pharmacist, wala umanong stamp ng doktor ang prescription kaya hindi iyon valid na ma-cover ng kanyang medical insurance.

Read: Taking selfies “legitimately dangerous,” according to research

ANG NAPAKASAKIT NA KATOTOHANAN TUNGKOL KAY CEMAL

Kinaumagahan, sa kabila ng sakit na nararamdaman ni Hakan ay nagbalik siya sa dental clinic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon na gumuho ang kanyang mundo.

Ibang dentista ang nasa clinic, na nagpakilalang si Ibrahim Levent—at hindi pa umano nito naging pasyente si Hakan.

Read: Mali, nag-iisang elepante ng Pilipinas, pumanaw na

Ikinuwento ni Hakan kay Ibrahim na kagabi lang ay binunutan siya ni Cemal ng apat na ngipin.

Nagtaka at nalito ang dentista.

Sabi nito kay Hakan (translated from Turkish to Tagalog): “Tagalinis ko sa clinic si Cemal. Nagpupunta siya rito tuwing gabi para maglinis.”

Tila nag-multiply ng ilang beses ang sakit na naramdaman niya dahil sa narinig.

Read: Steel banana hammer ng Japan, inspired sa saging ng Pilipinas

Kinailangang dalhin na sa emergency room si Hakan.

Namaga ang kanyang buong mukha, at may mga kalmot pa siya sa ilalim ng mga mata dahil sa puwersahang pagbunot ni Cemal sa kanyang mga ngipin.

Inabot ng isang buwan bago siya tuluyang gumaling.

Idinemanda ni Hakan si Cemal sa Istanbul Civil Court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa inabot niyang non-pecuniary damage at trauma, pinagbabayad ng kanyang lawyer si Cemal ng 100 thousand liras o (PHP193,614.75) bukod pa sa interes.

Sinentensiyahan si Cemal ng korte na mabilanggo sa loob ng dalawang taon at kalahati. Pinagbabayad din ito ng halagang hinihingi ng abogado ni Hakan.

Kung ano ang nagtulak kay Cemal para bunutan ng ngipin si Hakan, wala itong sinabing dahilan.

Read: Photo ng ibon na tila pinapalayas ang isa pang ibon, wagi ng award

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sobrang lakas ng loob ng janitor para magpanggap na dentista at bunutin ang apat na ngipin ng pasyente. Walang doctor’s stamp ang ibinigay nitong prescription kaya nabuking. (Photo for illustration purposes only)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results