Disisiyete anyos pa lang si Kelsey Hatcher ng Alabama, USA, nang malaman niya na dalawa ang kanyang uterus.
Ang ganitong kondisyon ay tinatawag na uterus didelphys o double uterus, at nakakaapekto lang ito sa 0.3% ng populasyon ng kababaihan, ayon sa website ng Cleveland Clinic, isang non-profit academic medical center sa U.S.
Kahit doble ang uterus ng isang babae, kasinlaki rin lang ito ng isang uterus, pero nahati sa dalawa.
Ngayong 32 years na si Kelsey, panibagong pagkabigla ang naramdaman niya—kambal ang kanyang ipinagbubuntis, at magkahiwalay ang mga ito sa magkabila niyang uterus.
Read: Maskaradong suspek sa pagnanakaw, nakilala dahil sa colorful underwear

Read: Lalaki, inakalang may colon cancer dahil sa self-diagnosis; nag-suicide attempt gamit ang grinder
Sa panayam kay Kelsey ng Fox News Digital na nalathala noong November 20, 2023, sinabi niyang tatlo na ang kanyang anak.
Nagpakonsulta umano siya sa kanyang doktor dahil nahihirapan siya sa kanyang kasalukuyang pagbubuntis.
Isinalang siya sa ultrasound.
Nang lumabas ang resulta, sinabihan siyang okey naman ang kanyang ipinagbubuntis.
Read: Greem Cafe, sikat at dinarayo dahil sa comic book-inspired interiors
Paalala raw niya sa technician, “I’m not sure if it’s on my chart, but I do have a second uterus, just so you aren’t alarmed."
Nang siliping muli ng technician ang resulta, bulalas nito, “Oh my goodness, there is another one!"
Na-shock si Kelsey sa narinig.
Pero pagkatapos ng initial shock ay natawa na lang siya.
"I immediately called my husband, Caleb, to tell him, as he was not at the appointment with me.
“He and I just laughed together."
Read: Artist creates diorama of 1939 family home: “Para mabalikan ko ang masasayang alaala.”

Read: Puno ng saging sa gitna ng daan, pinaalis after 2 years, kung kelan nagsimulang namunga
Maging ang mga doktor ay nagulat at sinabing "rare and special" ang kanyang kaso.
Ayon sa isang obstetrician/gynecologist ng Baylor College of Medicine sa Houston, ang tsansa na magkaroon ang isang babae ng ganitong klase ng pagbubuntis ay nasa “one in 50 million.”
“Very surprising,” paglalarawan naman ni Dr. Shweta Patel, ang obstetrician ni Kelsey.
"It's rare enough to have a uterine didelphys, but even more rare to have a pregnancy in each uterus.
"I had to see the images of the ultrasound myself to believe it."
Read: Winner ng PHP36M sa Grand Lotto 6/55, sadyang masuwerte sa game of chance

Read: VIRAL: Estatwa ng Virgin Mary, lumuluha; peke o himala?
Parehong babae ang kambal—pero ituturing silang fraternal twins, kahit pa lumabas na magkamukha ang mga ito.
Paliwanag ni Dr. Patel, "Since the pregnancies are in separate uteri, we know that they occurred with two separate eggs and two separate sperm.
“Meaning, they will be fraternal twins."
Dagdag pa ng doktor, "It is so rare to have a pregnancy in each uterus that I am not sure that we know to call it anything else but a twin pregnancy."
Read: Bagong damit? Labhan muna bago isuot!
Ang risk naman sa dobleng pagbubuntis ni Kelsey ay kagaya rin lang ng single pregnancy—kahit dalawang beses siyang manganganak.
"There is always a risk of preterm labor, miscarriage or uterine rupture if the baby goes too long—but all of these things are a risk with any pregnancy," ayon kay Dr. Patel.
Plano ring paanakin si Kelsey sa pamamagitan ng natural vaginal delivery.
Kung hindi naman siya manganganak nang normal, sasailalim siya sa double Cesarean delivery.
Nakatakda niyang isilang ang dalawang babies sa December 22.
Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver
