PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robbery suspect traced by police because of colorful underwear

Aksidenteng natukoy ng isang Instagram user.
by KC Cordero
Published Nov 23, 2023
The suspect
Aksidenteng namukhaan ng isang Instagram user ang suspek nang mapadaan siya sa account nito at makita sa post ang suot ang makulay na underwear, na kitang-kita rin sa CCTV video na ipinakalat ng mga pulis sa media.

Agad ntukoy ng mga pulis sa New York, USA, ang isang suspek sa naganap na armed robbery.

Paano? Sa pamamagitan ng makulay na underwear nito.

Sinampahan na ng kasong kriminal ang suspek na si Fathy Hussein, 30, noong November 23, 2023.

Napag-alaman ding kalalaya lang ni Fathy, on probation, sa kasong illegal possesion of firearms.

The suspect

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaki, inakalang may colon cancer dahil sa self-diagnosis; nag-suicide attempt gamit ang grinder

Batay sa ulat ng pulisya, sangkot sa panibagong kaso si Fathy dahil isa ito sa tatlong magnanakaw na marahas na pumasok sa isang tindahan ng sigarilyo sa Queens noong September 14.

Nakasuot ng maskara ang tatlo.

Tinutukan ng dalawang magnanakaw ng baril ang mga empleyado at customers ng tindahan, ayon sa federal prosecutors ng Brooklyn.

Si Fathy naman ang lumimas sa perang nasa cash register.

Mabilis na tumakas ang tatlo sakay ng isang itim na kotse.

Natangay nila ang halos US$3,000 (PHP166,464.00) na cash, US$1,000 (PHP 55,488.00) na halaga ng sigarilyo at medicinal marijuana products, at apat na smartphones.

Read: Greem Cafe, sikat at dinarayo dahil sa comic book-inspired interiors

Nakunan naman ng CCTV ang nangyaring pagnanakaw—mula sa pagdating ng sasakyan nina Fathy hanggang sa pagpasok nila sa loob ng tindahan, pati na rin ang pagtutok at pagkuha nila sa pera at mga produkto, at maging ang pagtakas nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At bagamat naka-hoodie at maskara ang tatlong suspek, angat na angat ang ang multi-colored underwear ni Fathy na kitang-kita dahil sa low-waist pants niya,

Makikita rin sa underwear ang malaking letrang "R" na kulay white, at "1990" na nakasulat sa kulay yellow.

Read: Artist creates diorama of 1939 family home: “Para mabalikan ko ang masasayang alaala.”

The robbery

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Puno ng saging sa gitna ng daan, pinaalis after 2 years, kung kelan nagsimulang namunga

Agad ipinakalat ng mga awtoridad ang video ng pagnanakaw.

Isang anonymous tipster ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya kung saan matatagpuan si Fathy.

Ayon sa tipster, aksidenteng nadaanan nito ang Instagram handle ng suspek, at isa sa mga IG photos ni Fathy ay suot din nito ang makulay na underwear.

Sinabi rin ng tipster na namukhaan nito ang suspek habang ibinibenta ang mga ninakaw sa isang lugar malapit sa Queens.

Agad nagsagawa ng surveillance ang mga pulis sa lugar na sinabi ng tipster.

Namataan nga nila si Fathy, at suot pa rin nito ang makulay na underwear.

Read: VIRAL: Estatwa ng Virgin Mary, lumuluha; peke o himala?

The suspect

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver

Natukoy ng pulisya si Fathy batay sa Instagram account nito, at sa mga photos mula sa record nito sa bilangguan.

Madali rin nila itong nakilala dahil hindi na ito nakasuot ng maskara.

Inaresto siya sa kanyang tahanan sa Queens ng mga miyembro ng New York Police Department-Bureau of Alcohol, Tobacco and Firearms joint task force.

Ang dalawang kasamahan niya ay nananatiling at large.

Read: Sideline ng 21-year-old student na paggawa ng stickers, big business na

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aksidenteng namukhaan ng isang Instagram user ang suspek nang mapadaan siya sa account nito at makita sa post ang suot ang makulay na underwear, na kitang-kita rin sa CCTV video na ipinakalat ng mga pulis sa media.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results