Isang estatwa ng Virgin Mary sa El Chanal, Colima, Mexico ang naiulat na lumuluha.
Unang naobserbahan ang pagluha ng estatwa noong October 2023, pero naging viral lang sa social media ngayong November.
Ang estatwa na nasa loob ng enclosure na yari salamin ay tinatawag na Virgin of Dolores.
Ang “Dolores” ay nangangahulugang kasawian o hapis.
Sa Katolisismo, isa sa mga titulo na ibinigay kay Virgin Mary ang Our Lady of Sorrows, na hango sa propesiya sa Aklat ni Lukas (Gospel of Luke).
Read: Pamamaril sa loob ng bus, nagdulot ng takot sa mga netizens

Read: Ex-president Rodrigo Duterte, may subpoena dahil sa diumano'y "death threat" niya sa kongresista
Sa panayam ng CEN, isang Mexican news outlet, kay Victor Ramos, isa sa mga nakasaksi sa pagluha ng Virgin of Dolores, nakita niya mismo na tumutulo ang luha mula sa mga mata ng estatwa.
"Similarly, when we cry, and our eyes become red, the same happens to the image," ayon pa kay Victor.
Ganito rin ang claim ng X (formerly Twitter) user na si Reuben Abati na nag-post ng mga larawan ng Virgin of Dolores noong November 17.
Read: Bagong damit? Labhan muna bago isuot!
KARAHASAN SA COLIMA, SANHI NG "PAGLUHA" NG ESTATWA?
Ang sapantaha ni Victor, ang pagluha ng Virgin of Dolores ay maaaring dahil sa sobrang karahasan na nagaganap sa Colima at sa iba pang komunidad sa nasabing maliit na estado ng Mexico.
Sa kasalukuyan ay may babala ang U.S. Department of State sa mga US citizens na huwag munang bibiyahe sa Colima dahil sa mga insidente ng krimen at kidnapping.
Noong isang taon, nakapagtala sa Colima ng 181.94 homicides sa kada 100,000 residente, batay sa Citizens’ Council for Public Safety and Criminal Justice ng Mexico.
Ito ang pinakamataas na homicide rate sa buong mundo.
Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver
MGA KATOLIKO, PINAYUHANG MAGING SKEPTIC
Mula nung maging viral ang lumuluhang estatwa ng Virgin of Dolores, dumagsa na ang mga nagpupunta sa simbahan kung nasaan ito para lang makita ang “himala.”
Ayon naman kay Fr. Thomas Petri, O.P., presidente ng Dominican House of Studies sa Washington, DC., ang mga ganitong phenomena ay “subject to the judgment of the Church.”
Aniya, ang local bishop muna ang magsasagawa ng imbestigasyon.
Dagdag pa ni Fr. Thomas, "Often, there's a natural explanation for these sorts of things."
Read: Sideline ng 21-year-old student na paggawa ng stickers, big business na

Read: Lotto winner ng PHP34M, naniniwalang nasa guhit ng kapalaran niya ang maging milyonarya
At kung matapos ang imbestigasyon ng Church authorities at walang nakitang natural reason kung bakit lumuluha ang Virgin of Dolores, sinabi ni Fr. Thomas na hindi obligado ang mga Katoliko na paniwalaan ang himala.
Gayunpaman, nagpapasalamat aniya ang simbahan sa mga ganitong pangyayari o occurrence.
Tila nare-remind ang tao na isipin ang Diyos at pagnilay-nilayan aang reyalidad ng kanilang pananampalataya.
Read: Wedding, dinagsa ng "shameless" gatecrashers; displaced ang legit visitors
Paalala naman ni Fr. Paul Hedman, isang pari sa Archdiocese of Saint Paul and Minneapolis, ang pagluha ng Virgin of Dolores ay maaaring kagagawan ng mga scammers na gusto lang magkapera sa mabilis na paraan.
Hinihikayat niya ang mga tao na maging skeptic.
Dagdag pa ni Fr. Paul, “It is better to be cautious than to pour your soul into something that turns out to be inauthentic."
Read: DOLE ipinaalala sa employers ang pagbabayad ng 13th month pay
