PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Two look-alike best friends turn out to be biological sisters

Two best friends teased they were like sisters; turns out they are!
by Bernie V. Franco
Published Nov 14, 2023
Julia Tinetti and Cassandra Madison
HAPPY SURPRISE! Best friends Cassandra Madison (left) and Julia Tinetti (right) are biological sisters, after all.
PHOTO/S: Julia Tinetti

"Ang buhay ay parang isang pelikula.”

Isa itong kasabihan na akma sa mga true-to-life stories na parang eksena sa isang pelikula.

Tulad na lamang ng dalawang babae na naging magkatrabaho at kalaunan ay naging mag-best friends.

It turns out they are biological sisters.

Ang kuwentong ito ay naging laman ng major news channels at websites sa U.S. noong 2021.

Noon ay 32 si Cassandra Madison at 31 naman si Julia Tinetti.

Nagkakilala ang dalawa in 2013, at nagkatrabaho sa isang restaurant sa New Haven, Connecticut, USA.

Kaagad nagkasundo ang dalawa dahil marami silang similarities, partikular na ang Dominican Republic flag tattoos sa braso ni Cassandra at sa likuran ni Julia.

Pareho din silang inampon mula sa Dominican Republic noong mga sanggol pa.

Madalas malito ang kanilang customers at co-workers dahil magkahawig sila—parehong mahaba at maitim ang buhok nila, may deep brown eyes, at bungisngis.

Ani Cassandra sa CNN interview noong 2021, "We hit it off right away. There was no trying to force a friendship or anything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Our personalities are very similar, so it was very easy for us to just start hanging out.”

Read: Dr. Connie Mariano: Fil-Am White House doctor to Miss Universe judge

Julia Tinetti and Cassandra Madiso

Baby photos nina Cassandra Madison at Julia Tinetti

Pakiramdam daw nila ay magkapatid sila. May isang pagkakataon pang pumunta sila sa isang event at nagdesisyon silang magsuot ng matching outfit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil madalas silang sabihang magkapatid ng mga tao, napag-isip-isip sila.

Sa isang punto, tiningnan nila ang kanilang adoption papers, pero base sa kanilang dokumento ay magkaiba ang kanilang ina, pati ang lugar na pinanggalingan nila noong mga sanggol pa lang sila.

Kinalimutan na nila ito, pero lagi silang sinasabihan ng mga tao sa kanilang paligid na mukha talaga silang magkapatid.

Sabi ni Cassandra, “So we said, ‘OK, never mind, forget it, then we’re not,’ and we just moved on with our lives.

“But we still played into us being sisters even though we knew that we weren’t. Well, we thought we weren’t.”

THE PLOT THICKENS

Lumipat si Cassandra sa Virginia noong 2015, pero nag-uusap pa rin sila ni Julia sa Facebook.

Hindi lingid kay Cassandra na ipinaampon siya ng mga magulang dahil sa hirap ng buhay.

Noong 2018, binigyan siya ng kanyang adoptive mother ng DNA test kit for Christmas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil dito, natunton niya ang isang pinsan sa Connecticut na kilala ang kanyang biological father.

Ito ang dahilan para makabisita si Cassandra sa Dominican Republic, at makilala ang biological father at iba pa niyang mga kapatid.

Noong 2020, muling nagkaroon ng reconnection sina Julia at Cassandra at naramdaman nilang may hindi tugma sa kanilang adoption papers.

Isang kaibigan ni Julia—si Molly Sapadin—ang tumulong sa dalawa para maresolba ang misteryo.

Cassandra Madison and Julia Tinetti

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Cassandra Madison at Julia Tinetti

Si Molly ay gaya nina Julia at Cassandra na adopted..

Magkaibigan ang adoptive mothers nina Molly at Julia, at pareho rin silang lumaki sa Connecticut.

Sinimulang ikumpara ni Molly ang adoption papers niya sa adoption papers ni Cassandra sa pag-aakalang baka sila ang magkapatid.

Pareho kasi ang apelyido nila at iisa ang pangalan ng nakalistang nanay nila.

Dahil inampon sina Molly at Julia sa parehong araw at magkalapit ang pinanggalingan, kumbinsido sina Molly, Julia, at Cassandra na nagkapalit-palit ang kanilang adoption papers.

Eventually, sumailalim sina Julia at Cassandra sa DNA testing, at lumabas sa results na magkapatid nga sila at pareho ang biological parents nila.

"It's exciting. We've got one more sister," ani Cassandra sa Good Morning America, "especially since Julia and I were already friends.”

Kalaunan ay nalaman nina Julia at Cassandra na ang kanilang mga magulang ay nagkaroon ng siyam na anak, at sina Julia at Cassandra lamang ang ipinaampon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Julia, "This is the type of thing you see on TV. Finding my biological family just wasn't a thing for me. I grew up with a great family, so I just kind of left it to what it was."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
HAPPY SURPRISE! Best friends Cassandra Madison (left) and Julia Tinetti (right) are biological sisters, after all.
PHOTO/S: Julia Tinetti
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results