Isang kasalan sa Malaysia ang pinutakti ng mga gatecrashers na nagpakasasa sa mga pagkain at inumin.
Dahil sa dami ng mga hindi naman imbitadong bisita, nawalan tuloy ng upuan ang mga legit visitors.
Sa Facebook post ng bride na si Jacqueline Ng noong November 7, 2023, nagdulot aniya ito ng kalituhan sa mga mahahalagang tao sa kanyang buhay na sadya niyang inimbita sa araw ng kanyang kasal.
Read: Vlogger nag-mukbang ng giant clams; netizen tinawag ang pansin ng DENR
Dagdag pa ni Jacqueline, nagsakripisyo pa siyang planuhin ang seating arrangements sa loob ng isang linggo.
Pero nawalan ng saysay ang kanyang efforts dahil nahirapang maghanap ang kanyang mga tunay na bisita ng mauupuan.
Read: Tale of revenge ng mister na iniwan ng misis para sumama sa ibang lalaki

Read: Story behind Taylor Swift jar for Swiftie wife who can't stop talking about the pop star
Himutok ni Jacqueline, “Have you seen a bride frantically planning the seating arrangements before the walk-in?”
Mabuti na lang at may ilang legit visitors na hindi nakarating kaya nagkaroon ng puwesto ang mga guests na nawalan ng upuan.
Ayon sa ulat ng Malaysian Chinese-language newspaper na Sin Chew Daily, isang gatecrasher ang nagpakilalang kapitbahay ni Jacqueline.
Pero nabuking din ito dahil ang nakatabi sa mesa ay totoong kapitbahay ng bride na nagsabing hindi pa nito nakita sa neighborhood ang gatecrasher kahit minsan.
Ang ginawa ang gatecrasher ay lumipat lang ng ibang table.
Kaya sabi ni Jacqueline, sobrang wala itong kahihiyan.
Read: Bettor wagi ng PHP147M jackpot sa "lucky pick" combination
Isa namang gatecrasher ang nakiupo sa isa pang table at sinabing hindi nito makita kung saan ang original seat dahil late nang dumating.
Pagkatapos ng kasal, sinabi kay Jacqueline ng mga imbitado niyang former classmates na may katabi ang mga ito na “bisita” na hindi nila kilala.
Suspetsa ng mga kaklase ng bride, gatecrashers din ang mga ito.
Isang legit visitor naman ang nagsumbong kay Jacqueline dahil sa katabi nilang may-edad na mag-asawa.
Read: Food vlogger, nagkatay at nagluto ng alligator para sa video views

Read: Food vlogger, nagkatay at nagluto ng alligator para sa video views
Nagpakalasing pa umano ang matandang lalaki, at siya mismo ang nag-udyok sa ibang bisita na inumin lahat ang handang alak.
Sambit ng dismayadong si Jacqueline, “It’s not that I’m being calculative and cannot afford to treat people to food, but this situation is different.
“I wanted to keep mum about it, but there were too many uninvited guests who took up my guests’ seats and caused chaos.”
Dagdag pa niya, “Showing up uninvited is so shameless.”
Nakilala ng ilang netizens ang isa sa mga hindi imbitadong bisitang lalaki, at sadya umano itong serial wedding gatecrasher.
Nanawagan naman si Jacqueline sa netizens na i-share ang kanyang Facebook post para maging aware ang ibang tao sa gawain ng mga gatecrashers.
Read: Napakailap na Philippine brown deer, namataan sa Marinduque
