Isang 46 anyos na Caviteño ang nanalo sa October 15, 2023 draw para sa SuperLotto 6/49 ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang jackpot prize ay nagkakahalaga ng PHP147,354,716.40.
Kinolekta na ng bagong milyonaryo ang kanyang premyo noong October 17, 2023 sa (PCSO) Main Office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Mismong si PCSO General Manager Melquiades A. Robles ang nag-abot ng kanyang tseke.
Read: Vlogger nag-mukbang ng giant clams; netizen tinawag ang pansin ng DENR

Read: Tale of revenge ng mister na iniwan ng misis para sumama sa ibang lalaki
Ang news bulletin ng pag-claim niya ng premyo ay ini-upload sa official website ng PCSO noong November 9.
Kuwento niya nang makapanayam ng PCSO staff, “Hindi ko alam na ako yung nanalo.
“Kaya inulit kung tingnan ang results ng draw sa Facebook.”
Hindi umano niya kabisado ang kanyang kumbinasyon dahil galing ang mga numero mula sa unang pagtaya niya gamit ang Lucky Pick (LP) o ang system-generated selection.
Read: Food vlogger, nagkatay at nagluto ng alligator para sa video views
Kuwento pa niya, bago niya napanalunan ang jackpot prize, nanalo muna siya ng three digits sa Super Lotto 6/49 mula sa Lucky Pick, kaya iyon muling ginamit niya sa muling pagtaya kung saan tinamaan niya ang jackpot.
Balik-taya kasi kapag nakakuha ng tatlong tamang kumbinasyon.
Tiniyak naman niya na sa kanyang pamilya gagamitin ang perang napanalunan.
“Ang unang priority ko nito ay ang pamilya ko, at maipagawa ko ang bahay namin sa probinsya namin.”
Read: Which is healthier: brown rice or white rice?

Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya
Samantala, ginagarantiyahan ng PCSO ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng winners sa lotto sa pamamagitan ng pagpapanatiling confidential ng personal information ng mga ito.
Alinsunod sa Republic Act No. 1169, ang lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa araw ng bola para makuha ang kanilang premyo sa main office ng PCSO na nasa Sun Plaza Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Makalipas ang itinakdang panahon, kung hindi na-claim ang premyo, mapo-forfeit ito at magiging bahagi ng PCSO Charity Fund.
Ang mga premyo na lalampas sa PH10,000 ay kakaltasan ng 20 percent final tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Read: Dahil sa lotto, 24 anyos na dalaga maagang naging milyonarya
