Bawal banggitin ang pangalan ni Taylor Swift sa tahanan nina Dana Rice, isang realtor sa Bethesda, Maryland, USA.
In-upload ni Dana sa Instagram last October 16, 2023 ang nakatatawang pangyayari sa pagitan nila ng kanyang mister na si Dan.
Yes, you read it right—Dan ang pangalan ng mister ni Dana. May tatlo na silang anak.
Gumawa si Dan ng "Taylor Swift jar," at ang deklara nito, tuwing babanggitin ni Dana ang pangalan ng pop star, kailangan niyang maghulog sa jar ng quarter dollar o US$0.25—katumbas ng PHP13.98.
Read: Vlogger nag-mukbang ng giant clams; netizen tinawag ang pansin ng DENR

Read: Tale of revenge ng mister na iniwan ng misis para sumama sa ibang lalaki
Big fan ni Taylor Swift si Dana, pero recently lang niya itinuring ang sarili na isang "Swiftie" noong napanood niya ang The Eras Tour.
Mula noon, lalong lumaki ang paghanga niya sa idol, na naging bukambibig niya.
Read: Food vlogger, nagkatay at nagluto ng alligator para sa video views
Isang umaga, habang nasa kusina silang mag-asawa ay nakita niyang nag-aayos ng isang jar si Dan.
"Without fanfare, without notice, I just came around the corner, and I asked him, ‘What are you doing?’"
Nagulat na lang si Dana nang makita niyang isang Taylor Swift Jar ang ginagawa ni Dan. Para itong "swear jar," kung saan pinagbabayad ang sinumang maririnig na nagmura.
Ang ganitong sistema ay bahagi ng pagsisikap sa isang pamilya o grupo na iwasan ang paggamit ng masasakit na salita.
Deklara ng kanyang mister, kailangan niyang maghulog ng quarter tuwing babanggitin ang pangalan ng singer at ng kasalukuyang boyfriend nito na si Travis Kelce.
Read: Which is healthier: brown rice or white rice?

Read: Napakailap na Philippine brown deer, namataan sa Marinduque
Ang nakasulat sa jar: "Taylor Swift Jar - Any mention of T. Swift and you owe $0.25. I can't take it anymore — Travis Kelce included."
Natatawang pagbabahagi ni Dana, "When I came around the corner, not only did he have the jar, but he had rolls of quarters, so he set me up with the rolls of quarters and the jar."
Pero paglilinaw ni Dana, sadyang malakas ang sense of humor ng kanyang mister, at bahagi lang ang Taylor Swift jar ng pagpapatawa nito.
"I have to put up with that all the time."
Read: Taylor Swift fan, kinarir ang Eras Tour-inspired Halloween display

Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya
And in reality, hindi rin talaga siya napipigilan sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang idol.
At mister din niya nanggagaling ang mga quarters na inihuhulog sa Taylor Swift jar.
"Since he supplied me with all the quarters, I absolutely have put all the quarters in there."
At ang plano ni Dana sa maiipon na pera sa jar, "I will be using them for Taylor Swift tickets in the future—that is for sure.”
Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya
Tuwang-tuwa naman ang netizens sa mag-asawa.
Karamihan sa mga nagkomento ay nagsabing pabor kay Dana ang rule ni Dan dahil nga makakaipon siya ng pambili ng ticket sa concert ni Taylor.
Balak niyang mag-imbita ng mga kapwa-Swifties sa kanilang bahay para mas maraming barya na maihuhulog sa jar.
Biro naman ng isa, sa dalas din niyang banggitin ang pangalan ng singer sa loob ng kanilang bahay, malamang na maubos ang laman ng wallet ng kanyang mister.
Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya
