PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

Ginawa ang krimen kahit kitang-kita sa surveillance camera
by KC Cordero
Published Nov 6, 2023
Photo of iPhone units
Bilang sales manager, ipinagkatiwala ng management sa lalaki ang susi ng electronics store. Maaga itong pumasok sa unang araw nito sa work para isagawa ang krimen.

Nitong October 2023, isang 22-second video ng lalaking tila naglilinis ng isang electronics store sa Moscow ang ini-upload ng Russian Ministry of Internal Affairs.

Makikita sa video na inilagay ng lalaki ang mga iPhone na nasa case pa sa maliit na maleta at ilang bag.

Hindi alintana ng lalaki kahit nakikita ito sa surveillance camera.

Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer

Photo of the man stealing the store

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaki inireklamo ang ka-date na ayaw humati sa bayad sa inorder na food and drinks worth PHP9K

Tinangka nitong baguhin ang direction ng camera sa pamamagitan ng mop, pero nabigo ito.

Gayunpaman, kahit alam nitong malinaw na nakukunan ng video ang ginagawa, ipinagpatuloy niya ang paglalagay mga iPhone sa dalang maleta at mga bags.

Batay sa video, nasa 53 iPhones, lahat ay brand new, ang nalimas ng lalaki sa electronics store.

Kinuha rin nito ang pera na nasa cash register.

Parang walang anuman na lumabas na ito ng pinto ng store pagkatapos.

Read: 89 anyos na mister, 40 years nang bigo na i-divorce ang 82 anyos na misis

WHO IS THE THIEF OF IPHONES?

Napag-alaman na ang lalaki ang sales manager ng electronics store.

Hindi na ito pinangalanan, pero sa ulat ng Russian news outlet na Lenta, sinabi ng mga pulis na 44 years old na ito.

At ang pambihira, isinagawa nito ang pagnanakaw sa unang araw mismo nito sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Why watching horror movies is actually good for your mental health

Photo of the man stealing the store

Read: Who is happier in life, spender or saver? Let's see what this survey says

Ayon pa sa ulat ng Lenta, huli na nang malaman ng management na gumamit lang pala ang lalaki ng mga pekeng dokumento para matanggap sa trabaho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa unang araw nito bilang sales manager ay ipinagkatiwala rito ng management ang mga susi ng tindahan.

Nang araw na isagawa nito ang krimen ay pumasok ito nang mas maaga kaysa sa mga kasamahan, at saka isinagawa ang pagnanakaw.

Tumakas ito at dumiretso sa bahay nito sa Sevastopol.

Read: Lalaki naagawan ng cellphone worth P10K; motor ng snatcher naitakbo ng biktima, dinala sa presinto

TRACING THE THIEF'S LOCATION

Pero dahil hindi nag-effort ang lalaki na gumawa ng paraan para maitago ang mukha sa surveillance camera, mabilis itong nakilala ng mga pulis at nadakip sa tahanan nito sa Sevastopol.

Nakumpiska rin ng pulisya ang mga ninakaw nito.

Yun nga lang, nabawasan na ang bilang dahil naibenta na umano nito ang ilang piraso habang nasa Moscow.

Sinampahan na ang lalaki ng kasong kriminal at isinailalim sa kostudiya ng pulisya.

Read: Lotto winner na nasunog ang ticket, makukuha na ang premyong PHP12M

Sa pagtataya ng electronics store, nasa PHP 1,784,032.00 kabuuang halaga ang nanakaw ng lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinayuhan naman ng pulisya ang management na maging maingat na sa pag-verify ng credentials ng mga aplikante nito para hindi na maulit ang insidente.

Mahigit isang taon nang hindi naglalabas ang Apple ng mga produkto nito sa Russia, pero naititinda pa rin ang iPhone sa pamamagitan ng black market—sa mas mataas na halaga.

Read: Holdaper ng botika, choosy; Viagra hindi pera ang priority

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang sales manager, ipinagkatiwala ng management sa lalaki ang susi ng electronics store. Maaga itong pumasok sa unang araw nito sa work para isagawa ang krimen.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results