Sinasabing ang pagkakaroon ng anak ay biyaya mula sa langit.
Kaya naman sobrang blessings ang natatanggap ng isang 26 anyos na Russian woman na si Kristina Ozturk na mayroong 22 anak.
Ayon sa mga ulat ng foreign news sites, hangad ni Kristina na magkaroon ng 105 kids. Gayunpaman, itinanggi ito ni Kristina sa isang sagot sa isang netizen.

Bagama't mula sa Russia, si Kristina ay nakatira sa Batumi, Georgia, kasama ang 22 anak at milyonaryong mister na si Galip, 58.
Pero earlier this year, nasentensiyahan ang mister ni Kristina ng walong taong pagkakakulong matapos mahatulang guilty sa illegal purchase and possession of drugs.
Ang panganay ni Kristina ay si Victoria, na isinilang noong 2014 mula sa previous relationship.
Ang sumunod na 20 anak niya ay isinilang lahat noong 2020 via surrogacy.
Ang bunso namang anak na si Olivia ay isinilang—also via surrogacy—noong January 2021.
Labintatlo sa mga ito ay mga babae at siyam naman ay mga lalaki.
Mayroon siyang apat na sets of twins at isang set ng triplets, batay sa reply ni Kristina sa netizen.
Sa ulat ng New York Post, si Kristina at ang asawa nito ay gumastos ng $195,000 (PHP10.9 million) para sa surrogacy ng kanilang mga supling.
Taon-taon, gumastos si Kristina ng $96,000 (PHP5.4 million) para sa sahod ng kanyang 16 live-in nannies na inaalagaan ang 21 sa kanyang 22 na mga anak.
Read: Joel Cruz, planong dagdagan pa ang kanyang mga anak
Sa isang video noong January 10, 2023, makikita pa ang 22 anak ni Kristina na nagpapakilala at naka-indicate ang kani-kanilang mga kaarawan.
Ganito ang caption ni Kristina sa kanyang post: “Meet the Ozturk family!
“You have asked many times to make a video for you with the names and ages of the children. I heard you, I made a video with dates of birth, because every day they get older, the information will simply not be relevant about the indication of age.”
Read: Twins born six minutes apart in different years
BUSY MAMA
Dahil sa di-pangkaraniwang pamilya, aktibo si Kristina sa social media para ipakita ang kanyang mga anak.
Sa Instagram mayroon siyang 237,000 followers at regular ang pag-update ukol sa kanyang buhay-nanay.
Nagsulat na rin siya ng libro para ibahagi ang kanyang experience bilang nanay sa 22 anak.
Sa isang Q an A noong 2021, sinagot ni Kristina ang tanong kung kaya ba niyang magbigay ng quality time sa dami ng kanyang mga anak.
Sagot niya, “Many times I have been asked how I have enough for each child, whether I devote time alone to each.
“Yes. We have a special bond with every child. I wish every parent to be able to spend all their time with their children because this is the most important thing in life.”
