PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivian Xue Rahey: $2,400 Nail Art

Mabenta ang kanyang press-on nails
by KC Cordero
Published Oct 27, 2023
Sample of Vivian's nail arts
Pampatanggal ni Vivian Xue Rahey ng stress ang paggawa ng nail art hanggang sa lumawak na ang interes niya rito at tuluyan nang ginawang negosyo. Ang nail art niya ay nagkakahalaga ng PHP14K hanggang PHP136K.

Isa si Vivian Rahey sa kinikilala bilang “world’s most talented fake nail artists.”

Mula sa kanyang imahinasyon, nakakalikha si Vivian ng blinged-out press-ons, at hand-painted acrylic nails.

Gumagamit siya ng maliliit na art brushes para maipinta ang ultra-realistic portraits ng mga pop-icons and celebrities sa acrylic nails.

Photo of Vivian Xue Rahey

Isang self-taught nail artist, wala siyang formal training sa art.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung pagmamasdan ang napakagaganda niyang maliliit na obra maestra, iisiping matagal nang ginagawa ito ni Vivian.

Ang totoong career niya ay sa technology.

Isa siyang trained software engineer.

Read: 53 anyos na singer, pinakasalan ang 22 anyos na ampon; umani siya ng batikos

HER ORIGINAL PLAN: put up SOFTWARE COMPANY

Ang unang plano ni Vivian ay magtayo ng software start-up.

Sinimulan lang niyang mag-practice ng nail art bilang libangan at pampatanggal ng stress habang binubuo niya ang kanyang sariling maliit na tech company.

Sa umpisa ay kinokopya niya ang mga Disney cartoon characters.

Sample of Vivian's nail arts

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At habang nare-relax siya sa bagong hobby, natuklasan na lang ni Vivian na masyado nang malalim ang kanyang interes dito kaya nagdesisyon siyang iwan ang tech world at sa halip ay maging professional fake-nail artist.

Itinayo niya ang Pamper Nail Gallery.

Sa kasamaang palad, lumaganap ang pandemya at naapektuhan ang kanyang shop.

Read: Taylor Swift fan, kinarir ang Eras Tour-inspired Halloween display

NAILS WENT VIRAL ON SOCIAL MEDIA

Pagbabahagi ni Vivian sa panayam ng San Francisco Chronicle, isang news company na based sa San Francisco Bay Area sa Northern California, “The first month after we shut down, I was really confused.

“Should I prepare for this? Should I prepare for that?”

Aminado siyang agad nalugi ang kanyang nail salon simula pa lang ng pandemya.

“I didn’t think we were going to be able to afford rent with reduced capacity.”

Masakit man para sa kanya, napilitan si Vivian na isarado ang kanyang shop.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang ginawa niya, nag-post siya sa social media ng pinakamagaganda niyang fake nail artworks.

Naging viral ang mga iyon.

Sample of Vivian's nail arts

Isa sa mga natawag ang pansin ng kakaibang talent ni Vivian ang rapper na si Snoop Dogg.

Nag-share si Snoop Dogg ng artworks ni Vivian para makita ng milyong followers ng rapper. Sa Instagram pa lang, higit 82 millions ang followers ng rapper-actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Unti-unti ay dumami ang kanyang clients, at muli niyang nabuksan ang kanyang shop.

Read: Babaeng nakaubos ng 48 talaba at maingay humigop, iniwan ng ka-date

HOW MUCH: FAKE-NAIL ART?

Kabilang sa madalas ipagawa kay Vivian ng mga customers ang Black Panther suit manicure set na glow in the dark, pati na rin mga Disney cartoon characters. Pero tiniyak ni Vivian na kahit anong image ay kaya niyang gawin.

Kumpara naman sa paglalagay ng art sa tunay na kuko, mas gusto ni Vivian na magdrowing sa press-on nails. Ito ang fake nails na ikinakabit sa tunay na kuko.

Sample of Vivian's nail arts

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya, “Press-on nails are a lot more conducive to doing a lot of elaborate art because those take a long time, and not everyone has the time or capacity to sit there for eight hours while you draw a portrait on them.”

At dahil mahirap gawin ang fake nail art, may kataasan din ang presyo nito.

“The majority of the sets we sell fall around US$250 (PHP14,223.25).

“But we’ve had sets go as much as US$2,400 (PHP136,543.20).”

Read: Wrong spelling sa tattoo, ikakagalit mo?

Pagbibigay-halimbawa niya, ang paggawa ng walong photorealistic portraits ng Marvel Avengers, na request ng isa niyang customer, ay inabot ng 24 oras.

Ang mga hindi masyadong detalyadong design ay dalawang oras naman ang itinatagal ng paggawa.

Read: World’s oldest known dog, pumanaw na; muntik ilibing nang buhay noong tuta pa

FAKE-NAIL DESIGNS INQUIRIES

Mula nang maging popular sa TikTok ang fake nail artworks ni Vivian, marami na rin siyang natanggap na “out-there commission.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan dito ay porn stills ng mga customers. Iniisip daw niya, nasa porn business ba ang mga taong ito?

Madalas ding ipagawa sa kanya ang mga movie-inspired art.

Read: Batang lalaki, nag-viral sa pagiging maginoo sa loob ng tren

Marami rin ang nag-aakala na stickers lang ang kanyang nail art.

Kaya aktibo si Vivian sa pagpapaliwanag sa social media. “I’m like, ‘No it’s not [stickers]. I painted it!’

“They didn’t see the process, so they don’t know.”

Naging iba man ang takbo ng kanyang career, fulfilled si Vivian sa kanyang craft. Para sa kanya, ang kuko ng tao ay kailangang gawing makulay at masaya.

“It's really the only beauty thing I feel like is very accessible to people of all body types and ethnicities.”

Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pampatanggal ni Vivian Xue Rahey ng stress ang paggawa ng nail art hanggang sa lumawak na ang interes niya rito at tuluyan nang ginawang negosyo. Ang nail art niya ay nagkakahalaga ng PHP14K hanggang PHP136K.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results