PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lalaki manikin sa araw, magnanakaw sa gabi

Kapag nagsara na ang mall, gagalaw na ang manikin.
by KC Cordero
Published Oct 23, 2023
The thief posing as a mannequin
Natuklasan ng mga awtoridad na ilang beses nang ginawa ng lalaki ang magnakaw sa mga shopping malls sa pamamagitan ng pagpapaiwan sa loob kapag closing time. Ngayon, nagpanggap naman siyang manikin, saka nagnakaw noong wala ng tao sa mall.

Isang 22-year-old na lalaki sa Warsaw, Poland, ang nakaisip ng paraan para makapagnakaw sa shopping mall.

Nagpapanggap ito na isang manikin sa shop window during mall hours.

Sa mga larawang inilabas ng Warsaw police, makikita ang lalaki na nasa unahang bahagi ng display ng tindahan at may hawak na bag.

Hindi ito gumagalaw.

Read: Model rumampa sa fashion show suot ang mga buhay na isda

The thief posing as a mannequin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: African mask, binili for PHP8K, nasa PHP249M pala ang halaga

Ang kakatwa, maging ang staff ng store at ang mga shoppers ay hindi nahalata na totoong tao ito.

Kasama kasi ng lalaki ang iba pang manikin sa store window kaya hindi napansin.

Read: Cute na pusang natutulog sa kalye, nagmistulang celebrity at nabigyan pa ng money

Batay sa ulat ng pulisya, nang magsara na ang shopping mall ay lumabas ang lalaki sa store, at gumala sa iba’t ibang departamento ng shopping mall.

Ayon sa inilabas na pahayag ng pulisya, “When he felt safe, he went hunting and robbed the island of jewelry.''

Gayunpaman, hindi nagtagal at nakita ito ng naka-duty na security staff.

Agad itong hinuli ng security staff, saka ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente.

Read: Paris “sinalakay” ng mga surot; itinuring itong “national emergency”

The thief caught by the security

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Babae namatay matapos kainin ang chocolate mula sa manghuhulang nag-predict na malapit na siyang pumanaw

Napag-alamang sadyang sumasalisi ang lalaki sa mga tindahan kapag nagsarado na para magnakaw.

Suspek din ito sa pagnanakaw sa isang gallery kung saan sinimot nito ang laman ng cash register at tinangay ang ilang items.

May insidente ring naghapunan muna ito sa restaurant bago lumipat sa isang shopping center at nagawang magpaiwan sa loob.

Nang magsara na ang shopping center, pumasok ito sa isang tindahan ng damit at pinalitan ang mga suot ng bago.

Read: Babae napagkamalang eye drops ang superglue, naipatak sa mata

The thief sliding

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Lalaking tadtad ng tattoo hindi magka-love life, hindi tanggap sa workplace

Nang “makapagbihis” na, nagbalik ito sa restaurant at muling kumain.

Gayunpaman, namukhaan na ito ng mga awtoridad dahil nahagip siya ng CCTV nang puwersahang pumasok sa tindahan ng mga damit na bahagyang nakaawang ang pintuan.

Isinailalim ang lalaki sa tatlong buwan na kostudiya ng pulisya, at posibleng makulong sa loob ng 10 years kapag nahatulan.

Read: Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natuklasan ng mga awtoridad na ilang beses nang ginawa ng lalaki ang magnakaw sa mga shopping malls sa pamamagitan ng pagpapaiwan sa loob kapag closing time. Ngayon, nagpanggap naman siyang manikin, saka nagnakaw noong wala ng tao sa mall.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results