PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Larawan ng upuan sa bus na tinubuan ng kabute, pinagpiyestahan

Komento ng netizens: “The Last of Bus”
by KC Cordero
Published Oct 18, 2023
Photos of bus seat covered with mushrooms
Nakakatawa na tinubuan na ng mga kabute ang upuan ng isang bumibiyaheng bus. Pero sa reyalidad, buhay na larawan ito kung gaano kamiserable ang kalagayan ng ating public transportation.

Kinatuwaan ng netizens ang post ni Ian Miro Guiñarez last October 11, 2023 sa Facebook group na “How’s your byahe, besh?”

Ang nasabing FB group ay nagsisilbing platform “to discuss, brainstorm, and strategize about how to improve transportation/mobility and urban planning in the Philippines.”

Nag-post dito si Ian ng larawan ng upuan ng isang bus na maraming tumutubong kabute.

Ang caption ni Ian sa kanyang post, published as is: “Meanwhile bus sa GMA going SM Fairview.”

Hindi sa kanya ang naturang larawan, kaya ibinigay niya ang kredito sa may-ari.

Read: Content creator kinain ang isdang puno ng tapeworms para mag-viral

Photo of bus seat covered with mushrooms

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Murph, ang asong may “self-portrait” sa dibdib

Sa larawan ay makikitang nangangalawang ang bakal ng upuan, sira na ang synthetic leather na nakabalot dito, at naka-expose ang foam.

Agaw pansin ang maliliit na kabute na kulay puti.

Ayon sa isang nagkomento, ang kabute ay tinatawag na “common split gill mushroom.”

“Kurakding” naman ang tawag dito sa Bicol. Dagdag pa ng nagkomento ay edible ito o nakakain.

Sa ginawang Google research ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), tumutugma nga ang anyo ng mga kabuteng tumubo sa bulok na upuan sa mga lumabas sa common split gill mushroom image search.

Matatagpuan ang common split gill mushroom sa buong mundo, at tumutubo sa mga patay na puno o nabubulok na kahoy.

Read: Babae nilason ng karelasyon ng ex-BF sa araw mismo ng kanyang birthday

Photo of split gill mushrooms

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng National Library of Medicine noong June 24, 2020, ang common split gill mushroom ay may taglay na anti-cancer, anti-tumor and immunomodulating properties

Bagaman at puwedeng kainin, mas ginagamit ito sa production ng mga gamot.

Bilang pagkain, hindi ito masyadong kinukonsumo sa U.S., pero popular ito sa Mexico.

Uses of split gill mushrooms

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Model rumampa sa fashion show suot ang mga buhay na isda

Samantala, ang post ni Ian ay nakakuha na ng mahigit 1.6K reactions, 175 comments at 464 shares.

Karamihan ay nagkomento ng: “The Last of Bus.” Patungkol ito sa post-apocalyptic drama-thriller series na “The Last of Us.”

Malapit na raw kasi ang apocalypse sa Pilipinas kaya tinutubuan na ng kabute ang mga upuan ng bus.

Pagbabahagi ng isang nagkomento, “Reminds me of the moss I saw [SM Fairview bound bus]. Kakaibang biodiversity talaga makikita mo sa mga bus, ha-ha!”

Alupihan daw naman ang nakita ng isa.

May nag-suggest na puwedeng iluto sa gata ang mga kabute pagkauwi.

Read: 13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike

On a serious note, tanong ng isa, ganitong klase ba ng sasakyan ang nabibigyan ng certificate of public convenience ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board?

Sinusugan ito ng isang netizen na nagsabing, “More reasons to write and pressure our legislators to enact the Commuter Bill of Rights into law, now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lotto winner noong 2014, makukuha na sa wakas ang premyong PHP12M

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakatawa na tinubuan na ng mga kabute ang upuan ng isang bumibiyaheng bus. Pero sa reyalidad, buhay na larawan ito kung gaano kamiserable ang kalagayan ng ating public transportation.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results