PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Model rumampa sa fashion show suot ang mga buhay na isda

“Absolutely cringe. Intentional cruelty.”
by KC Cordero
Published Oct 11, 2023
The model
Binatikos ng netizens ang pagsusuot ng model ng mga buhay na isda sa isang fashion show. "Intentional cruelty” daw ito sa mga hayop.

Out of the box ang suot ng isang model na rumampa sa fashion show sa Chennai, India.

Tampok sa disenyo ng kanyang damit ang mga buhay na isda.

Ang video ng pagrampa ng model ay ini-upload last October 1, 2023 sa Instagram page ng Make Over by Preethi—isang professional make-up artist na nakabase sa city ng Bangalore.

Sa video ay makikita ang model na nakasuot ng mermaid-style dress na may nakakabit na parang aquarium sa bandang midriff.

Isang tao ang makikitang naglagay ng maliliit na isda sa parang aquarium.

The fishes in the plastic pot

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: African mask, binili for PHP8K, nasa PHP249M pala ang halaga

Ang video ay nakakuha ng mahigit eight million views at mahigit 400K likes.

Pero hindi ito aprubado sa ibang netizens.

Komento ng isang Instagram user, "Stop using animals in everything."

Dagdag naman ng isa pa, "What's wrong with you people? Stop bothering other living beings."

Paalala pa ng isang nagkomento, hindi dapat naglalagay ng maraming isda sa maliit na container. Kailangan umano ng mga ito ng right amount of oxygen.

Read: Cute na pusang natutulog sa kalye, nagmistulang celebrity at nabigyan pa ng money

The model

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patutsada naman ng isa sa designer ng damit, “So to the people who are complaining about how people aren't appreciating how talented she is, the dress indeed is very pretty on its own.

“It's just the intentional cruelty towards fishes which is absolutely disgustingly wrong, and which is why a lot of people are disappointed [which is quite reasonable]."

Read: TB hindi nagiging sanhi ng pamamaga ng utak—PNP on death of Francis Jay Gumikib

Ayon naman sa isa pang netizen, “absolutely cringe” ang paggamit ng mga inosenteng hayop para lang magmukhang fashionable.

Pero ang konsepto ay nagustuhan ng Indian TV actress at influencer na si Uorfi Javed na nagkomento ng: "Love it."

Hindi ito ang unang pagkakataong ginamit ang mga hayop sa isang fashion show.

Read: Babae napagkamalang eye drops ang superglue, naipatak sa mata

The butterflies dress

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Babae namatay matapos kainin ang chocolate mula sa manghuhulang nag-predict na malapit na siyang pumanaw

Last September 28 ay rumampa sa Paris Fashion Week 2023 ang isang modelo suot ang transparent skirts na nagsilbi ring terrarium na may real garden flowers at mga buhay na paru-paro sa loob.

Ang damit ay dinisenyo ni Jun Takahashi, ang founder at creative director ng Undercover—isang Japanese clothing brand.

Binatikos din ng ilang netizens ang naturang kasuotan, at sinabing ito ay nagpapalaganap ng kalupitan at pang-aabuso sa mga hayop.

Read: Paris “sinalakay” ng mga surot; itinuring itong “national emergency”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binatikos ng netizens ang pagsusuot ng model ng mga buhay na isda sa isang fashion show. "Intentional cruelty” daw ito sa mga hayop.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results