PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

African mask, binili for PHP8K, nasa PHP249M pala ang halaga

Matapos ma-scam ng mag-asawa, nagreklamo sila sa korte.
by KC Cordero
Published Oct 10, 2023
The African mask
Dumadaan ngayon sa legal process ang paghahabol ng mag-asawang nagbenta ng 1920s African mask sa murang halaga dahil akala nila ay walang value. Argumento nila sa korte, alam ng dealer kung magkano ang tunay na halaga ng mask, pero niloko sila nito.

Nakakita ang isang French couple ng African mask habang naglilinis ng kanilang lumang bahay noong September 2021.

Ang babae ay edad 81, habang ang lalaki ay edad 88. Hindi na sila pinangalanan.

Ang mga kalat sa bahay ay ibinenta nila sa isang garage sale.

Samantala, ang African mask ay dinala nila sa isang local antiques dealer.

Binili ito sa kanila sa halagang US$157 (PHP8,901.66).

Read: Paris “sinalakay” ng mga surot; itinuring itong “national emergency”

The African mask

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Babae namatay matapos kainin ang chocolate mula sa manghuhulang nag-predict na malapit na siyang pumanaw

Makalipas ang ilang buwan, habang nagbabasa ng diyaryo, nalaman ng mag-asawa na ang ibinenta nilang African mask ay nabenta ng US$4.4 million (PHP249.47 milyon) sa isang specialized auction sa Montpellier, isang siyudad sa southern France.

Napag-alamang rare at hindi ordinaryo ang African mask na ginagamit sa mga ritwal ng African secret society.

Iniulat din ng Artnet News, isang art market website sa U.S., na ang naturang African mask ay dinala sa France mula sa Gabon ng lolo ng lalaki.

Ang lolo ng lalaki ay naging colonial governor sa Africa noong early 20th century.

Read: Lalaking tadtad ng tattoo hindi magka-love life, hindi tanggap sa workplace

MAG-ASAWA NAGHABOL SA BENTA

Idinemanda ng mag-asawa ang antiques dealer.

Paniniwala nila, niloko sila nito.

Sa inilabas na desisyon ng appeals court sa France noong June 28, 2023, sinabing ang kaso laban sa dealer ay “appears to be well-founded in principle.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi muna puwedeng galawin ang pinagbentahan sa African mask habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso.

Walang inilabas na pahayag ang abogado ng mag-asawa sa kabila ng hiling ng media.

Read: Babae napagkamalang eye drops ang superglue, naipatak sa mata

DEALER ALAM ANG TUNAY NA VALUE NG MASK

Sa ulat ng Artnet News last October 3, ang argumento ng mag-asawa sa korte ay alam ng dealer ang tunay na halaga ng African mask nang ibenta nila ito sa shop.

Hindi raw kasi ito idinisplay sa shop, sa halip, kinontak ng antiques dealer ang auction houses na Drouot Estimation at Fauve Paris.

Sa pagtataya ng Drouot Estimation, ang presyo ng African mask ay nasa €120 (PHP7,213.07).

Nasa €600 (PHP36,065.35) naman ang estimate ng Fauve Paris.

Pero humingi ang antiques dealer ng third opinion sa Montpellier, isang specialist sa pagbebenta ng African objects.

The African mask

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Lalaki napagkamalang unggoy, nabaril ng kasama sa pangangaso

Isinailalim ang African mask sa analysis gamit ang carbon-14 dating and mass spectrometry.

Natuklasan na ginawa ito noong 19th century.

Sa expert appraisal na ginawa ng isang ethnologist, nalamang ginagamit ito sa purification rites ng Ngil society, isang secret society na kontrolado ng Fang ethnic group sa Gabon hanggang 1920s.

Para sa Montpellier, ang presyo ng African mask ay nasa €400,000 (PHP24,043,565.91).

Pero nabenta ito ng PHP249.47 milyon sa isinagawang auction noong March 2022.

Read: Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend

AFRICAN MASK, SOBRANG RARE

Ayon sa record ng korte, ang African mask na yari sa kaolin-coated cheese wood, ay sobrang rare.

Nasa 12 lang nito ang nag-e-exist sa buong mundo—na karamihan ay nasa Western museums and collections.

Naniniwala ang abogado ng mag-asawa na posibleng makansela ang pagbebenta sa African mask dahil sa kanilang maling paniniwala na walang value ang item.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lotto bettor na tumaya habang may bagyo, PHP35M ang panalo!

The African mask

Read: Ang katotohanan sa likod ng viral video ng "pastor" na kayang laruin at amuin ang mga lion

May naging precedent case na kasi sa France kung saan ang paintings ng isang sikat na painter ay na-misattribute sa isang hindi pa masyadong kilalang painter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naibenta ang mga paintings ng may-ari sa murang halaga.

Nang ma-authenticate ang mga paintings at nalamang sobrang sikat pala ang artist, naghabol sa korte ang may-ari.

Pinawalang bisa ng korte ang kontrata ng bentahan, at ibinalik sa may-ari ang mga paintings para mapresyuhan nang mas mataas.

Read: 13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike

DEALER NAG-ALOK NG OUT-OF-COURT SETTLEMENT

Sa kaso ng African mask, nag-offer na ang antiques dealer sa mag-asawa ng out-of-court settlement at nagbabayad ng US$315,000 (PHP17,860,027.50).

Hindi sila nagkasundo dahil ayaw pumayag ng mga anak ng mag-asawa, ayon sa mga dokumento ng korte.

Dinidinig pa rin hanggang ngayon ang kaso.

Ang appeals court ng France ang pansamantalang may kontrol sa pinagbentahan ng African mask habang wala pang pinal na desisyon.

Read: Lotto winner noong 2014, makukuha na sa wakas ang premyong PHP12M

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dumadaan ngayon sa legal process ang paghahabol ng mag-asawang nagbenta ng 1920s African mask sa murang halaga dahil akala nila ay walang value. Argumento nila sa korte, alam ng dealer kung magkano ang tunay na halaga ng mask, pero niloko sila nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results