PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Street Cat Becomes Celebrity and Earns Money

“If only my four cats have this ability, I can have an early retirement.”
by KC Cordero
Published Oct 9, 2023
Photos of Tarik
Nagmukhang celebrity ang tulog na pusa na sa sobrang cuteness, bukod sa pinagkaguluhan ay nakatanggap pa ng limos mula sa mga nagdaraang tao.

Last September 24, 2024 ay pinagkaguluhan sa isang kalye sa Alanya, Turkiye, ang isang natutulog na pusa.

Ang mga taong naglalakad ay nagsisiksikan para lang makita ang adorable pet na ito.

Nakatihaya ito sa pagkakatulog, at lantad na lantad ang belly.

Hindi rin ito nagigising kahit maraming nag-uusyoso at mukhang napalalim ang cat nap.

Nagmistulang celebrity ang tulog na pusa. May mga humahaplos pa rito.

Interestingly, may mga naglagay ng pera para sa pusa. Iyon ang paraan nila ng pag-a-appreciate sa cuteness nito.

Read: Paris “sinalakay” ng mga surot; itinuring itong “national emergency”

People gathering around Tarik

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Babae namatay matapos kainin ang chocolate mula sa manghuhulang nag-predict na malapit na siyang pumanaw

Marami rin ang kumuha ng video.

Isa sa kanila ang may username na tanjatanja 8651, na siyang nag-upload sa TikTok ng video ng natutulog na pusa.

Inakala ng mga nagbigay ng pera ay isa itong stray cat, pero napag-alamang resident pet pala ito ng isang jewelry store na malapit sa lugar kung saan ito himbing na himbing siyang natutulog.

Read: Babae napagkamalang eye drops ang superglue, naipatak sa mata

People gathering around Tarik

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lalaking tadtad ng tattoo hindi magka-love life, hindi tanggap sa workplace

Nakilala ang pusa na si Tarik.

Ayon sa tagapagsalita ng jewelry store, isang stray cat noon si Tarik.

Pumasok ito sa jewelry store dalawang taon na ang nakalilipas, at hindi na umalis.

Nanghihina umano ito noon, payat na payat, at may sakit.

Kuwento pa ng tagapagsalita ng jewelry store, “We took him in with us and fed him.

“As you can see, now he is fat and lazy—a very sweet and docile cat.”

Read: Lalaki napagkamalang unggoy, nabaril ng kasama sa pangangaso

Photo of Tarik

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend

Gayunpaman, may mga bagay na nakasanayan si Tarik mula sa pagiging stray cat nito.

Malambing ito sa mga tao.

Madalas ito sa labas ng jewelry store at naglalampong sa mga taong nagdaraan.

Gusto rin nito na laging hinahaplos ng kahit sino.

“Tarik loves the attention very much,” tagapagsalita ng jewelry store.

Tiniyak naman ng tagapagsalita ng jewelry store na gagamitin nila ang nakolektang pera ni Tarik sa mabuting paraan.

Read: Lotto bettor na tumaya habang may bagyo, PHP35M ang panalo!

Photo of Tarik

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ang katotohanan sa likod ng viral video ng "pastor" na kayang laruin at amuin ang mga lion

Sadya palang mapagkalinga ang jewelry store sa mga pusa.

Bukod kay Tarik ay nasa 15 stray cats pa ang pinapakain nito araw-araw.

Saad ng tagapagsalita, “We had a nice banquet for Tarik’s friends with the money he collected, buying them nice food.

“Our goal is to increase people’s interest in stray animals.”

Tuwang-tuwa naman ang netizens kay Tarik.

Komento ng isa, “It just need to show its cuteness and it can be rich just like that.”

Biro naman ng isa, “If only my four cats have this ability, I can have an early retirement.”

Pinuri rin ng netizens ang mga taga-Turkiye sa pagiging cat lovers.

Read: 13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagmukhang celebrity ang tulog na pusa na sa sobrang cuteness, bukod sa pinagkaguluhan ay nakatanggap pa ng limos mula sa mga nagdaraang tao.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results