PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pastor Lion Video: The Truth Unveiled

Ang pagkamangha ay napalitan ng pagkadismaya.
by KC Cordero
Published Oct 2, 2023
The pastor and the lions
Marami ang namangha sa kakayahan ni Pastor Daniel na paamuin at laruin ang mga lion na nasa kulungan. Gayunpaman, isang news company ang nagbunyag sa kanyang totoong pagkatao.

Naging viral ang video ng isang diumano ay African pastor na pumasok sa kulungan ng tatlong lion sa isang zoo, at nilaro ang mga ito.

Ang video ay ini-upload ng Instagram user na may handle na @mufasatundeednut noong September 25, 2023.

Nakilala ang lalaki na nakasuot ng blue suit na si “Pastor Daniel.”

Ang caption ni @mufasatundeednut sa video, “Pastor Daniel brought his church members to show them that nothing can happen to a man of God. Somebody, please shout hallelujaaaaaaaaah!”

Read: White lion, perfect ang baby bangs; nagpa-rebond ba?

The pastor and the lions

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa video ay tinatapik-tapik ng pastor ang mga lion, at hinayaan pa niya ang isa na kagat-kagatin ang kanyang kamay.

Sa labas ng cage ng mga lion ay may mga nanonood sa ginagawa ng pastor, at kinukunan pa siya ng video.

Read: Meet Lola Maura Agripa: First EMBO centenarian na nakatanggap ng PHP100K gift

PASTOR DUMAMI ANG FANS

May mga ulat na sa Somalia nag-originate ang viral na video ni "Pastor Daniel," na mabilis ding kumalat sa Ghana at Nigeria.

Ibinahagi rin ito sa social media accounts ng isang local television station sa Kenya— kung saan isang member ng parliament, si Ronald Karauri, ang naniwala sa kakayahan ni "Pastor Daniel" na paamuin ang mga lion.

Read: Milk tea nag-viral dahil sa kakaibang plastic bag

The pastor and the lions

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inimbitahan pa nito ang pastor para ipasyal sa Maasai Mara, ang national park ng Kenya.

Nag-post ang mambabatas sa X (formerly Twitter) ng paanyaya nito sa pastor.

Siya raw ang gagastos sa biyahe ni "Pastor Daniel" para lang makasalamuha nito ang mga lion sa park.

Read: Sombrero ni Michael Jackson sa moonwalk dance nabenta for more than PHP4M

HINDI TOTOONG PASTOR

Sa ulat ng BBC noong September 30, sinabi ng news agency na hindi totoong church leader si Daniel.

Gamit ang reverse image search, natuklasan ng BBC na may news story sa YouTube noong 2021 na kinunan sa tourist park sa kapitolyo ng Somalia na ang kulungan ay katulad ng cage ng tatlong lion na pinasok ng pastor.

Read: Groom binugbog ng pamilya ng bride nang matuklasang panot pala

Photo of Pastor Daniel

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Natiyak din ng BBC na ang lalaki na nasa lumang YouTube clip, si Mohamed Abdirahman Jaceloow, ay ang lalaking kinikilalang si "Pastor Daniel."

Isa siyang zookeeper, at walong taon nang nagtatrabaho sa naturang park

Na-trace naman ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang Facebook account ni Mohamed, kung saan may kasama siyang tatlong lion cubs sa naka-post niyang larawan noong July 22, 2022.

Sa tingin ng writer na ito, batay sa isiniwalat ng BBC, ang tatlong lion cubs, na ngayon ay malalaki na, ang kasama ni Pastor Daniel sa nag-viral na video.

Read: Miss Universe Zimbabwe 2023 pageant draws flak for crowning white woman

TRAINER NG MGA HAYOP

Nakapanayam na rin pala ng BBC si Mohamed noong 2022.

Ayon dito, siya mismo ang nagte-train sa mga hayop na inaalagaan niya.

Bukod sa mga lion, nag-aalaga rin siya ng ahas.

Ipinakita pa niya sa interview kung paano siya makipaglaro sa malaking ahas—na ipinulupot niya sa kanyang leeg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakuha rin ang PEP.ph ng photo ni Mohamed sa kanyang Facebook account na may nakasampay na ahas sa kanyang leeg. Ang petsa ng post ay July 11, 2022.

Read: Boss ng kumpanya, kinain ang sabon para patunayang all-natural ang ingredients nito

Photo of Pastor Daniel and the snake

Read: Maleesha Kharwa: From “slum princess” to Internet sensation and popular model

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala aniyang nagturo sa kanya kung paano mag-alaga ng wild animals—basta natutunan na lang niya sa kanyang sariling paraan.

Tiwala rin si Mohamed sa kanyang sariling abilidad kung paano alagaan ang mga ito.

Harmless aniya ang mga alaga niyang hayop, at parang anak na rin ang turing niya sa mga ito.

Gayunpaman, ang lion at ahas, kahit nasa captivity, ay mapanganib pa rin, at maaaring umatake anumang sandali.

Dahil sa lumabas na katotohanan, hindi natuwa ang netizens sa publicity stunt ni @mufasatundeednut, na ginamit pa si Mohamed at pinalabas na isang pastor para lang marami ang manood ng video.

Komento ng isa, “And you wonder why most people don’t take Christianity seriously.

“Cuz people like this would be making it look like a joke.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang namangha sa kakayahan ni Pastor Daniel na paamuin at laruin ang mga lion na nasa kulungan. Gayunpaman, isang news company ang nagbunyag sa kanyang totoong pagkatao.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results