Ang Cha Deen ay isa lang maliit na milk tea (chai) stall sa Lam Phlai, Songkhla Province, Thailand.
Lumikha ito ng ingay sa social media at naging laman ng mga balita dahil sa kakaiba nitong tea packaging.
Ang tipikal na chai tea ay gawa mula sa ginger, cardamom, nutmeg, cinnamon, cloves, at black pepper, na may kasamang black tea leaves at gatas.
Read: Sombrero ni Michael Jackson sa moonwalk dance nabenta for more than PHP4M
Ang ibang variations nito ay ginagamitan ng fennel, star anise, or saffron.
Depende naman sa iinom nito kung gaano katamis ang gusto.
Karaniwan itong ibinibenta na nakalagay sa malinaw na plastic bags.
Yun nga lang, sa Cha Deen ay kapuna-puna ang kakaibang hugis ng plastic bag na pinaglalagyan ng chai.
Read: White lion, perfect ang baby bangs; nagpa-rebond ba?

Read: Groom binugbog ng pamilya ng bride nang matuklasang panot pala
Sa halip na ang standard na plastic bag na may straw, gumamit ang Cha Deen ng custom plastic bag na sa unang tingin ay tila kahugis ng male reproductive organ.
Nang unang lumitaw sa social media noong May 2022 ang kakaibang lalagyan ng chai tea ng Cha Deen, agad itong nag-viral.
Umani ito ng samutsaring reactions mula sa netizens.
Read: Robinhood Padilla’s manhood accidentally makes an appearance and here’s what we think
May ilan na nagsabing masyado itong offensive.
Ang iba ay natawa.
Sang-ayon naman ang marami na isa itong patok na marketing strategy.
Ilang araw matapos mag-circulate ang mga larawan ng kakaibang plastic bags, iniulat ng local media ng Thailand na tumaas ang benta ng Cha Deen at dumami ang mga customers.
Kabilang sa mga flavors na ini-o-offer ng Cha Deen ang Thai tea, green tea, cocoa, at Ovaltine.
Read: Boss ng kumpanya, kinain ang sabon para patunayang all-natural ang ingredients nito

Read: Maleesha Kharwa: From “slum princess” to Internet sensation and popular model
Ayon sa may-ari ng stall na si Saranyu Madeng, ang protruding part ng plastic bag ay “elephant trunk.”
Ani Saranyu, ang “extremely unconventional” bag ay hindi na nangangailangan ng drinking straw dahil sa elephant trunk part nito.
Read: Bilanggo tumakas sa mismong araw ng kanyang paglaya
Naisip umano niya ang konsepto mula sa video clip na itinuturo kung paano maglalagay ng protruding part sa pamamagitan ng paghila sa plastic bag.
Pagbabahagi ni Saranyu, “I tried doing one and it could hold water.
“I showed it to my father, and he said it looked funny. We laughed together.”
Nang una umano niyang i-post ang larawan ng plastic bag sa Facebook ay gusto lang niyang magpatawa—at hindi sana niya planong gamitin para sa kanyang milk tea.
Read: Lotto teller na nainip, bumili ng “ScratchIt” ticket, wagi ng PHP1M

Read: Mahigit PHP3M na perang ididikit sa artworks, ibinulsa ng artist; blank canvas lang ang ipina-frame
Kung nakakuha man si Saranyu ng suporta sa netizens dahil sa kanyang creativity, binatikos naman siya ng mga konserbatibo at relihiyoso.
Kaya sa kabila ng instant success ng elephant trunk plastic bags, itinigil na rin ng Cha Deen ang paggamit nito.
Paliwanag ni Saranyu, “Our apology to all the customers. The bag in question will no longer be available. It involves many sensitive issues.
“Thank you for your hefty interest and support.”
Read: Hari ng isang tribu sa Ghana, hardinero sa Canada
