PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boss Kainang Sabon: All-Natural Ingredients

“Extreme marketing technique”
by KC Cordero
Published Sep 26, 2023
The boss and the soap
Pinagtawanan ng netizens ang kakaibang marketing strategy ng boss ng isang kumpanya na gumagawa ng sabon. May mga nagsabing bibili sila ng naturang sabon dahil sa buwis-buhay na demo ng boss.

Nag-viral ang video ng boss ng Hongwei nang kainin nito ang sabong panlaba na kabilang sa mga produkto ng kumpanya.

Ang Hongwei, na itinatag noong 1952, ay kilala sa body cleansing and laundry cleaning products.

Ang viral video ng boss ay nangyari sa isang meeting kaharap ang mga empleyado at consumers.

Read: VIRAL: Karatulang nagbabawal sa mga Pinay na pumitas ng dahon ng malunggay

The viral video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Amazing basketball journey of Dennis Schroder: Madalas ma-trade sa NBA, nawalan ng kontrata, MVP sa 2023 FIBA

Kinain niya ang sabon para patunayang wala itong taglay na harmful substances, at gawa ito mula sa alkali, animal fat, at gatas.

Nginuya at nilunok din niya ang sabon saka uminom ng tubig.

Sambit ng boss, “There are no harmful substances.

“It tastes of cow and sheep fats and milk. There are no side effects.”

Read: Hostage nagpa-picture sa hijacker: “It has to be the best selfie ever."

Boss eating the soap

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Misis nakatanggap ng delivery na 1,020 condoms; hindi naman siya nag-order

Binanggit din niya na posibleng may epekto ang sabon sa timbang ng kumain nito dahil, “When it enters your body, it will break down body fat and oil.”

Batay sa Taobao e-commerce website, ang sabong panlaba ng Hongwei ay nagkakahalaga ng US$3 (PHP 170.79) bawat pakete na may limang piraso.

Read: Search for “pinakatamad” may premyong PHP60K; huling babangon ang panalo

The soap

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ang suwerte ng mga lola! 2 senior citizens, bagong milyonaryo sa lotto

Nag-resort ang boss sa “extreme marketing technique,” at may mixed reactions ang netizens.

May mga nagbiro pa na kapag may kalamidad at walang makain ang mga tao, makasasalba pala kung kakain ng sabon.

May mga nagsabi ring bibili sila ng naturang sabon dahil sa buwis-buhay na demo ng boss.

Komento naman ng isang social-media user, sana raw ay pinakain din ng boss ng sabon ang mga supervisors niya para mas kapani-paniwala.

Samantala, ayon sa NextShark, isang source ng Asian-American news, bagaman at ipinagmamalaki ng boss ng Hongwei na ang produkto nito ay mula sa edible materials, at ipinu-push ang commitment nito sa naturalness and purity, hindi pa rin dapat kainin ang sabon.

Sabi ng news company, sabon ang produkto, at “that’s not what it’s for.”

Read: Nawawalang rebulto ni Jose Rizal sa Virac, natagpuan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinagtawanan ng netizens ang kakaibang marketing strategy ng boss ng isang kumpanya na gumagawa ng sabon. May mga nagsabing bibili sila ng naturang sabon dahil sa buwis-buhay na demo ng boss.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results